Monday , December 23 2024

Nalimutan ba ng Senado na imbitahan si Lito Banayo? (Sa hearing ng rice smuggling)

00 Bulabugin JSY

MUKHANG nawawala sa senaryo ng Senate rice smuggling investigation si dating National Food Authority (NFA) administrator LITO BANAYO.

‘E hindi ba sa kanyang administrasyon sumirit umano ang rice smuggling ni David Bayaran ‘este Bangayan y Tan!?

Naniniwala tayo sa sinabi ni Senator Ralph Recto na ang MODUS OPERANDI sa rice smuggling ay ‘yung style “to follow ang import permits.”

Nand’yan na ang bigas sa PUERTO at naghihintay na lamang ng NFA import permits.

Kaya hindi tayo nagtataka na mayroong isang ‘bagman’ na sinasabing malapit na malapit kay Bayadnyo ‘este’ Banayo ang nakabili noon ng magagarang kotse, bahay at lupa sa Tagaytay gayon din sa Sta. Rosa sa Laguna.

Huwag natin kalimutan ang nangyari  sa Subic na mismong si Pangulong NOYNOY ang nag-utos kay dating Customs Commissioner Ruffy Biazon na i-HOLD ang daan-daang container ng bigas dahil wala ngang ‘IMPORT PERMITS.’

Balita nga natin ay nagkaroon pa ng “DOUBLE CROSS” sa kargamentong ‘yan. Bayad na ang mga tongpats sa NFA at Customs pero sa huli ay bumaligtad rin sila?!

Ano po ang gusto nating puntuhin dito, kung seryoso ang Senado na makakuha ng ‘masustansiyang detalye’ para sugpuin ang rice smuggling ‘e ipatawag at imbestigahan ninyo si Banayo!

Pati na ang kanyang mga biyahe sa Hong Kong, Bangkok at Vietnam ay busisiin ninyo.

Kapag may UMARAY, ‘yun na ‘yun!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *