Monday , May 20 2024

Ang kawalan ng pagkapantay-pantay ay banta sa demokrasya (1)

ANG eksklusibong paglago ng ating ekonomiya sa ilalim ng kasalukuyang administrasyong Aquino ay nakalulungkot sapagkat lalo itong nag-aalis ng lakas sa ating mga mamamayan at malinaw na isang banta sa demokrasyang nakagisnan.

Bakit nga ba banta sa demokrasya ang pagkakamal ng yaman ng iilan lamang? Sapagkat nauuwi ito sa korupsyon ng sistema at mga lider ng bayan. Ang eskandalo sa pork barrel, ang kabiguan ng BIR at Bureau of Customs na kumolekta ng tamang buwis, ang mga kababalaghan sa panahon ng halalan, kabilang na ang malawakang bilihan ng boto ay ilan lamang sa patotoo na nakasisisra sa atin ang konsentrasyon ng yaman sa iilan lamang.

Ayon sa Economics 101, ang yaman ng mundo ay limitado samantala ang ating pangangailangan ay hindi. Ito ang tinatawag na batas ng supply and demand. Kapag hindi maayos ang pagsasabuhay nito ay hindi maiiwasang yayaman nang husto ang mga ganid at lalo naman maghihirap ang nakararami.

Ang immoral na kalagayang ito ay hindi maiiwasang resulta ng neo-liberal na kaisipan na inilalako sa taong bayan ni Pangulong Benigno simeon Aquino III at kanyang mga amuyong. Ang hindi makatarungang paghahati ng yaman ang isa sa mga katangian ng walang humpay na pamamayagpag ng pang-ekonomiyang paradaym na ito.

Ayon kay Robert Feinman ,  “History has shown that when societies get too unequal bad things happen. They either become economically inefficient or they become subject to social unrest. In many cases both happen simultaneously.”  Tama siya dahil ang pagkakaipon ng yaman sa iilan ay nagiging sanhi ng kahirapan ng nakararami. Ito ang nagiging ugat ng mga sigalot sa lipunan. Ang kahirapan din na ito ay nauuwi sa food insecurity o kagutuman, mababang uri ng edukasyon at kawalan ng atensyong medical.

Sabi ng United States Department of Agriculture, ang food insecurity ay isang kalagayan na may kakulangan ng masustansyang pagkain para sa taong bayan o kawalan ng kakayahang bumili ng tamang pagkain.

Ang kagutuman ay nararamdaman ng Karamihan lalo na ng mga taga-slum area at mga liblib na pook. Ito ay hindi lamang suliraning moral at politikal bagkus problemang pangkalusugan rin. Alam naman natin na ang mga taong palagiang gutom ay mahina ang kukote (Intellectual Quotient o IQ) at mababaw ang emosyon (Emotional Quotient o EQ). Dangan kasi ang mga sentro ng IQ at EQ, ang utak at puso, ay kapos sa kinakailangang sustanysa upang maging maayos. Dahil sa madalasang kagutuman bunga ng kawalang yaman ay hindi nangyayari ito.

(Itutuloy)

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Kabag sa alimuom ng ulan tanggal sa Krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *