Thursday , June 4 2026

Smart Bra Para Sa Healthy Diet

HINDI man magustuhan ng karamihan, malapit nang magka-access ang mga babae sa smart bra na magsasabi sa kanilang umiwas sa junk food kapag nakararamdam ng stress.

Nagde-deve-lop ngayon ang Microsoft ng bagong bra, na kina-bitan ng mga sensor na idini-senyong makapagmo-monitor ng iba’t ibang  mood. Kapag nakaramdam ng stress, nagpapa-dala ang bra ng alert sa pama-magitan ng Bluetooth sa smartphone ng may suot nito.

Bakit nilikha ang bagong produkto? Ito’y dahil karamihan ng kababaihan ay madalas na lumalakas ang pagkain depende sa kanilang emos-yon, paliwanag ng mga eksperto, at lumitaw sa mga pag-aaral na karamihan sa kanila ay nagkaka-problema sa kanilang timbang at kalusugan sanhi nito.

Gayonpaman, ang kahalintulad na produkto na laan para sa kalalakihan ay hindi ipinagpa-tuloy dahil isa sa mga sensor nito ay kailangan ilagay malapit sa puso, iniulat ng BBC.

”Napalakas ang kain ko nang hindi ko aktuwal na napapansin, at nalaman  ko lang nang mag-log ako ng aking eating habit at emosyon. Noon ko napagtanto na nakapagti-trigger ang stress ng emotional eating, at nalaman ko rin nakaaapekto sa aking kalusugan,” pahayag ng isa sa mga kalahok sa isinagawang pag-aaral.

Malayo pa ang nasabing bra sa production line dahil kailangan pang iresolba ang tungkol sa battery life at disenyo.

Nitong nakaraang buwan, isang bra na nakakonekta sa Twitter ang napabalitang nakapagti-tweet sa tuwing hinuhubad ito para himukin ang kababaihan na mag-self-examine ng kanilang dibdib. Bukod dito, nitong nakaraang taon din ay ini-award ang patent sa isang US firm para lumikha ng smart bra na sumusuri sa init ng dibdib para ma-detect ang cancer.

Kinalap ni Sandra Halina

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …