Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Just Call me Lucky (Part 19)

DAIG ANG AGIMAT NI ANDOY NG ITAK NI KULAS NANG GUMULONG SA LUPA ANG KANYANG ULO

ANDOY KABAL :  Nasa akin ang agimat ng kabal kaya ‘di ako tatablan ng  kahit anong klase ng armas.

KULAS KIDLAT :  Nasa itak ko naman ang bertud ng kidlat kaya walang uubra sa akin.

ANDOY KABAL  :  Baka mapahiya ka, pare.

KULAS KIDLAT  :  Magkakasubukan tayo, pare.

ANDOY KABAL  :  Sige, pare, reydi ako… (at isinangkalan ang leeg sa malaking tipak ng bato).

KULAS KIDLAT  :  Matatagpas ang ulo mo, pare.

ANDOY KABAL  :  Kung tatalab ‘yan sa akin…

Sinubukan ang nagpapasubok. Tsak! Gumulong sa lupa ang sira-ulo, este naputol na ulo ni Andoy Kabal.

Ang kongklusyon ng ulyanin nang mga event coordinator ng “Tagisan ng Agimat” ay  mas malakas daw ang bertud ng agimat na hawak ni Kulas Kidlat kaysa kay Andoy Kabal. Pero dinig ko’y maraming taon ang bubunuin ni Kidlat  sa piitan sa kasong homicide makaraang mapaglamayan ang bangkay ni Kabal. Tsk, tsk!

Si Daddy

Pareho kaming freshman ni Biboy sa Uste nang maging magkaklase sa isang block section. Matalino siya sa aming klase. A.B. Political Science ang kurso niya. Ambisyon niyang maging isang de-kampanilyang abogado balang-araw. Magaling siya sa mga diskusyon. Pati sa mga prof namin ay hindi nangingiming makipagbalitaktakan.

“Math is very useful in our daily life. Do you agree, class?”ang introduksyon ng lady prof namin sa Math 101. “Yes, Ma’m” ang sagot na-ming lahat.  Nagtaas ng kamay si Biboy. Pinaya-gan siya ni Ma’m na makapagsalita.  “No doubt  about that, Ma’m…” aniya sa pagtayo. “Pero will you agree with me kung sasabihin kong maging sa pag-ibig ay nariyan din ang Math… substraction, addition, multiplication at division?”

Nagkapileges ang noo ni Ma’m sa saglit na pag-iisip. “Aber nga, paano?” anito sa pag-aa-yos ng makapal na salamin sa mata. “Simple lang po, Ma’m…” ngiti ni Biboy. “Subtraction ‘pag nag-split na ang magsyota, addition ‘pag mahigit sa isa o dalawa ang karelasyon, multiplication ‘pag nagkaroon na ng anak o mga anak, division ‘pag nakialam na ang mga in-laws sa magkarelasyon.” Napalakas ang tawa ko. Bahagyang namula ang mukha ni Ma’m, tumapat sa desk ko at saka ipinatungkol sa aming dalawa ni Biboy ang isang quotation: “Any fool can make a rule, and any fool will mind it.” (Sundan)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …