Monday , December 23 2024

Senior Citizens ‘kinasahan’ si COMELEC Chairman sixtong ‘este’ Sixto Brillantes

00 Bulabugin JSY
KINALSUHAN ‘este’ KINASUHAN na ng mga Senior Citizen sina Commissioner on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes kasama ang mga komisyoner na hindi nagproklama kay Rep. Godofredo Arquiza kahit matagal nang iniutos ng Supreme Court.

Sa kanyang “Very Urgent Omnibus Motion,” sinampahan ni Arquiza, presidente ng Coalition of Associations of Senior Citizens in the Phils., ng contempt of court sina Brillantes, Commissioners Lucenito Tagle, Elias Yusoph at iba pang komisyoner nang hindi ipatupad ang utos ng SC noong Hulyo 23, 2013 na iproklama ng Comelec ang dalawang nominado ng Senior Citizens Party-List matapos makakuha ng mahigit 600,000 boto sa nakaraang May 2013 elections.

Binaliktad ng Supreme Court ang naunang diskwalipikasyon ng Comelec sa nasabing party-list  bago mag-eleksiyon kaya tumakbo ang Senior Citizens na nahati sa paksiyon ni Arquiza at dating nominado na si Francisco Datol, Jr.

Si Arquiza ay sinuportahan ni Romulo Alveres, pangulo ng United Senior Citizens Association-National Capitol Region, sa pagsasabing malinaw na contempt of court o paghamak sa hukuman (SC) ang patuloy na hindi pagpoproklama ng Comelec sa mga kinatawan ng Senior Citizens lalo’t may walong milyon na ang nakatatanda sa buong bansa.

Tanong nga ni Alveres, matagal nang iniutos ng SC sa Comelec ang pagpoproklama sa dalawang kinatawan ng Senior Citizens pero magkano ‘este’ ANO ang hinihintay ni Brillantes at kanyang mga komisyoner para suwayin o hindi ipatupad ang utos ng kataas-taasang hukuman?

Mantakin naman ninyo, mismong sina Brillantes, Tagle at Yusoph ay pawang Senior Citizens na rin pero hindi sila nagpapakita ng malasakit sa sector na kanilang kinabibilangan?

Ano ang mahihita natin sa mga taong maging sariling sector nila ay tinatraydor?!

Mukhang ‘yang si Brillantes at ang 3-M division talaga ang nagpapagulo d’yan sa Comelec?

Kaya doon sa mga naghahangad makapwesto sa 2016, mag-esep-esep kayo hangga’t naririyan pa si Brillantes at ang notorious na 3-M division.

Hangga’t naririyan sila, mukhang hindi titino ang eleksiyon sa Philippines my Philippines.

SANTAMBAK NA BASURA SA MAYNILA HINDI KAYANG HAKUTIN NG BAGONG KONTRATISTA
(MAYOR ERAP, MAGRE-RESIGN KA NA BA?)

HINDI na tayo nagtataka kung bakit namamantot at nagkalat ang mga santambak at puta-putaking basura sa Maynila.

Aba ‘e ang ginagamit palang panghakot ng B.E.S.T Volunteer ay BULILIT DUMP TRUCKS.

Ngek!!!

‘Yung iba pabalik-balik para mahakot ang mga basura, pero mas marami ‘yung mga hindi na bumabalik kaya tuluyan nag naiiwan ang basura.

Kinabukasan na binabalikan ang mga naiwan na basura. Kaya hayun, kasula-sulasok talaga ang amoy ng Maynila ngayon.

Nagdeklara pa si Yorme Erap na magre-resign daw siya kapag hindi nahakot ang basura sa loob ng tatlong araw makalipas ang bagong taon.

Paano ngayon ‘yan!? Gagawin ba niya ang pagre-RESIGN?

Unsolicited advice lang kasi Mayor Erap, mag-ikot-ikot ka naman sa Maynila at huwag iyong naghihintay ka lang ng reports sa mga SIPSIP boys sa opisina mo.

Mag-ikot ka!

Huwag ka masyadong umaasa o naghihintay sa mga report ng mga gustong magsipsip sa iyo.

Gaya noong panahon ni Mayor Alfredo Lim na napaka-visible niya sa mga tao.

Si Mayor Fred Lim mismo ay personal n’yang nakikita kung ano ang problema sa Maynila at ‘yang mga ‘yan ay ‘hands-on’ niyang nireresolba.

Hindi po natin ikinokompara si Erap kay Mayor Fred Lim.

Gusto lang natin sabihin na maraming paraan kung gustong resolbahin ang isang problema, ‘di po ba Mayor Erap?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *