Friday , November 15 2024

Sekyu di drayber; Gladys F Tumabo sa warehouse

ITONG isang sekyu sa customs di drayber pa kung pumasok sa opis  niya sa isang bonded warehouse ng Bureau sa isang probinsya na malapit lang sa Maynila. May kasama-han siyang Sekyu na isang babae na matinik din sa pagawa ng pera.

Ang reesulta? Si Sekyu may ala-mansion na bahay sa Bulacan. May mga kotse na mamahalin at may driver pa sa kabila ng kanyang kita na P8,000 lang bilang security guard. Ni wala si-yang elgibility pero kwidaw ka, pang heneral ang kanyang bulsa.Kaya itong isang Gladys F na naging acting account officer sa nasabing bonded warehouse na marahil milyon milyon ang dinadayta na buwis sa bureau. Ang kanyang  biktima ay ang customs at BIR. Kaya naman tabo si Sekyu aka Pedro Flower at Gladys F, kasama nila ang isang warehouseman na mayaman na rin.

Sa kabila ng kanilang pagiging di qualified na magbantay ng isang bonded warehouse na ngayon nga ay hinahabol ng customs at BIR dahil daw sa aabot na P5-billion tax evasion case, tuloy pa rin an ang pandaraya na lubhang na-master na niya. Ang nasabing operator ng warehouse ay isang Tsinoy.

Hindi raw halos nagbabayad sa BIR ng mga importation nang nasabing operator. Kaya naman tuloy-tuloy ang pananalasa ni Pedro Flo-wer na sekyu at warehouseman, kasama nila si Gladys na account officer kahit walang qualification.

Si Gladys pinatalsik bago umupo ang bagong pamunuan ng Bureau of Customs. Ang dahilan kanyang kinaliwa ang kanyang syota na nagpasok sa kanya sa warehoiuse. Two timer ang acusation sa kanya. Pero well rewarded si two-timer Gladys. Isang P8-million condo sa Maynila malapit sa isang mall sa Sta.Cruz, ilang mamahaling sasakyan katulad  ng Pl.2-M F-l50 Ford at isa pang condo na kanyang tinitirhan.  Si Sekyu naman na lubhang tumagal sa kanyang puwesto kahit hindi siya qualified nagpahiwatig na siya ay mag-i-early retirement na. Basta na lang ba papayagan sila na makapuslit sa Bureau na hindi kakasuhan sa mga kasalanan nila. Sa plunder na sa totoo lang babagsak ang kanilang mga kaso sa dami ng kanilang nakurakot. Dapat tutukan din nang husto ang mga tagong yaman nila.

Si Gladys F at Pedro Flower ang maraming anay na gumigiba ng institution ng customs ga-yong sila ang ilang sa pinakamababang nananunungkulan sa bureau. Marahil halos daan o libong doble ang nakukurakot ng matataas na mga opisyal. Ang dami nang nakapag-early retirement pagpasok ni dating Commissioner Bia-zon sa Bureau. Halimbawa mayroon mga multi-millionaire noong panahon ni dating Commissioner Boy Morales pero na isa sa kanila walang naparusahan. Ni hindi sila sinanggi noong panahon ni Biazon gayon din ang ilang notorious na player na sabit sa  smuggling ng bigas, sugar, mga bakal, agri products na sikyung gumigiba ng revenue collection na umaabot sa P200-bil-yon bawat taon.

Isipin na lang na ultimong sekyu ‘di drayber. Gaano kaya kalaking salapi ang inihahatag niya sa mga naglagay sa kanya bilang bantay-salakay. Dapat di tantanan ng baong pumuan ang mga tulad ni Gladys F at Pedro Flower.

Ukol naman dito sagalit na ipinakikita nina Commissioner John Sevilla at Customs Intel chief Jessie Dellosa sa mga huwes na nag-isyu ng TRO at tapos daw poreliminary injunction sa isang rice importer ng Davao City, baka naman mali sila sa kanilang hinala .

Unang-una raw, iyon bigas in question ay properly declared noong may-ari bilang bigas galing sa Vietnam. Pangalawa, iyong ginagamit na authority ni Commissioner at Dellosa sa pag-harang sa nasabing rice shipment dahil daw walang import permit ang NFA, alam kaya nila na ang World Trade Organization na nag-impose ng import permit sa pag-angkat ng bigas para sa Pinas, inalis na ito noon pang June 20l3. Dahil parehong hindi abogado sina Dellosa at Sevilla, tila yata salya ang kanilang decision. Bakit? Kasi ang bigas ay freely importable na basta’t ito ay properly documented at deklarado.

Ang kumalat sa Bureau, may isang intel officer na naggagaling-galingan na siya raw ang nagbulong sa dalawang official. Hindi kaya dapat  imbestigahan kung anong motibo ng tipster na galing sa lugar ng pinagbabaan?

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *