Thursday , December 19 2024

Bagong Toro ‘reporter’ nangotong sa tserman (ALAM, Hataw ginamit)

010914 peke reporterMAG-INGAT sa taong ito (kaliwa) nagpakilalang si Edwin Sarmiento at Calabarzon reporter ng Bagong Toro pero ang lakad ay mangikil sa mga barangay chairman. Ginamit ni Sarmiento ang pekeng Alab ng Mamamahayag (ALAM) identification card na may nakalagay na party-list (gitna). Ang original ay ID ni Bilasano (kanan) na walang nakasulat na party-list. (BRIAN BILASANO)

ISANG  nagpakilalang CALABARZON reporter ng tabloid na Bagong Toro ang inaresto ng pulisya matapos ireklamo ng pangongotong ng isang barangay chairman sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng madaling araw.

Ang suspek, kinilala sa pangalang Edwin Sarmiento, CALABARZON reporter umano ng Bagong Toro, residente ng 266 Vanda  St., Atdramas Vill 2, Real, Calamba City, Laguna, ay inireklamo ni Barangay 267 Chairman Renale Serame dahil muli siyang hinihingan ng pera at bigas.

Suot ang dalawang pekeng identification card ng Alab ng Mamamahayag (ALAM), si Sarmiento ay may hawak na advertising contract ng HATAW na ginagamit niya sa panloloko ng mga barangay chairman.

Nagso-solicit umano siya ng “ads” kapalit ng pera at bigas base sa naitakda niyang presyo ng advertising materials.

Nang unang puntahan ng suspek si Serame ay napaniwala siya, pero dahil hindi naman nakita ng Chairman ang nauna niyang ads, tinabla niya sa ikalawang pagkakataon si Sarmiento.

Agad nagreklamo si Serame at humingi ng tulong sa Manila Police Distrcit – Police Station 3 (Sta. Cruz Station) para sa agad na ikadarakip ng suspek.

Sa tanggapan ni MPD-PS3 Anti-Crime chief, SPO4 Ruel Robles, dakong 7:00 ng gabi, nang matanggap nila ang personal na tawag ng barangay official na inirereklamo ang isang ‘makulit na taga-media.’

Humihingi umano ng ads si Sarmiento gamit ang advertising contract ng HATAW, Journal, Bagong Toto at Remate.

Kasunod nito, mabilis na nagresponde ang pulisya at  nakita si Sarmiento sa barangay hall gamit ang mga ID na media na Kabayani, Journal, Parish Pastoral ID at dalwang pekeng ALAM ID at ALAM press ID.

Agad napansin ni Robles na ang genuine na ALAM ID ay walang nakalagay na partylist habang ang peke ay malaki at may nakasulat na party-list.

“Hindi namin nilagyan ng party-list ang ALAM dahil nag-a-apply pa kami noon sa Comelec,” ani Jerry Yap, chairman ng ALAM.

Idinagdag ni Yap na hindi nila kokonsintihin ang ginagawa ng ilang tiwaling gaya ni Sarmiento.

“Pinag-iisipan na po ng abogado namin na si Atty. Toto Causing, na siya rin ALAM President kung ano ang karapat-dapat na kasong isasampa para kay Sarmiento.”

(B.G. BILASANO)

About hataw tabloid

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

The *2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024* press conference recently concluded with great success, bringing …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *