Friday , September 20 2024

Perya

ISINULAT noong Nobyembre 26 sa kolum na ito kung paanong tuwing Pasko ay nagiging pangunahing atraksiyon para sa mga bata ang mga carnival.

Buhay na buhay ang mga carnival o theme park, gaya ng Star City sa Pasay City at Enchanted Kingdom sa Laguna, noong Disyembre, pinakamasigla kompara sa ibang buwan dahil itinataon din nila ang pagdaragdag ng mas maraming rides at attractions. Pero para sa mga hindi kalakihan ang budget—iyong hindi kayang magbayad ng entrance fee na nasa P65 hanggang P600 na ride-all-you-can—puwede na rin mag-enjoy sa mga simpleng rides o tsubibo at sa panonood sa sideshows na hatid ng ‘babaeng ahas’ o ng ‘sirena’ sa mga peryahan.

Matatagpuan sa halos lahat ng peryahan ang wala sa naglalakihang world class theme parks: ang tayaan sa palaro.

May bingo games sa mga perya na legal kapag may permit mula sa munisipyo o city hall. Ang ilegal ay ang “color game” na karaniwang nasa tagong bahagi ng perya.

Gamit sa color game ang tatlong dice. Magkakaiba ang kulay ng bawat isa sa anim na bahagi nito: blue, red, white, pink, green, at yellow. Kapag inihagis ang dice at dalawa sa mga ito ang magkapareho ang kulay, mananalo ang tumaya rito. Kung lahat ng tatlong dice ay iisa ang kulay sa pagkakatihaya, doble ang ibabayad sa tumaya. Maaaring tumaya ng kahit magkano, mula piso hanggang P100.

At kahit na tapos na ang Pasko, sinabi ng aking mga espiya na patuloy na nag-o-operate ang ilang peryahan sa Metro Manila at sa ilang probinsiya.

Sa Quezon City lang, isang “Alex” ang nangangasiwa sa ilegal na color games sa tabi ng kanyang peryahan sa likod ng Sogo Hotel sa Cubao, Quezon City.

Sa Cubao rin, sa Westpoint, isang babaeng tatawagin nating “Ine” ang nag-o-operate ng kaparehong ilegal na sugal sa kanyang perya.

Sana ay maaksiyonan ito ng kaibigan kong si Chief Superintendent Richard Albano, Quezon City Police District police director.

Puwede po ba’ng pakigising ninyo ang mga pulis-Cubao na natutulog sa pansitan?

***\

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

SV Sam Versoza Rhian Ramos

Cong. Sam Verzosa namigay ng negosyo sa 100 katao; sinorpresa ni Rhian

MATABILni John Fontanilla BUMAHA ng luha sa labis na kasiyahan ang may 100 netizen na …

Arjo Atayde

Arjo nanghinayang, nalungkot sa ‘di pagkakasama sa Incognito

MA at PAni Rommel Placente SA Thanksgiving/Christmas party ng actor-politician na si Arjo Atayde para sa entertainment …

Jhassy Busran

Jhassy Busran engrande ang pagdiriwang ng 18th birthday

MATABILni John Fontanilla ENGRANDE at very memorable ang pagdiriwang ng 18th birthday ni Jhassy Busran na ginanap kamakailan sa …

AiAi delas Alas Carlos Yulo Chloe San Jose

Ai Ai kay Chloe — Hindi ka pa asawa, girlfriend ka pa lang

MATABILni John Fontanilla PINAYUHAN ni AiAi delas Alas ang girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose sa ginagawa umanong …

Carmina Villaroel

2 show ni Carmina masisibak sa ere

I-FLEXni Jun Nardo DALAWANG show ni Carmina Villaroel ang nababalitang mawawala  na  sa ere nitong Oktubre. Una …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *