Saturday , April 27 2024

Tsekwa arestado sa P10-M shabu

123013 shabu tsekwa

DALAWANG kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P10 milyon ang nakompiska sa  buy-bust ope-ration ng mga operatiba ng PDEA-Special Enforcement Services laban sa Chinese national na kinilalang si Weimou Shi sa NIA Road, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

Halos dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P10 milyon na nakasilid sa dalawang malaking pakete ang nakompiska sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa NIA Road, Quezon City, Sabado ng gabi.

Inaresto ang Chinese national na si Weimou Shi alyas Jeson Sy, 40-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nakipagtawaran pa ang suspek sa isang undercover agent ng PDEA sa gitna ng transaksyon.

Ito ang ikalawang high value target na nahuli ng PDEA sa magkasunod na linggo.

Muling tiniyak ng ahensya na bagama’t Holiday Season, wala rin silang tigil sa kanilang operasyon.

Mas pinaigting pa nila ang kampanya kontra ilegal na droga matapos kompirmahin ng mga awtoridad na napasok na ng isang Mexican drug cartel ang bansa.

TULAK ITINUMBA

PATAY ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos  barilin ng hindi nakilalang suspek habang naglalakad ang biktima  sa madilim na eskinita sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Jeric Jovellana, 27-anyos, ng Block 3-A, Brgy. Francisco General Mariano Alvarez, Cavite, sanhi ng tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa ulo.

Batay sa ulat ni SPO1 Noli Dait, may hawak ng kaso, dakong 11:15 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktima sa Martinico St., North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod.

Naglalakad ang biktima nang sundan at lapitan ng hindi nakilalang suspek saka malapitang binaril sa ulo.

Sinasabing onsehan sa droga ang sanhi ng pamamaril  matapos makuha sa biktima ang isang bag na may lamang shabu at paraphernalia, P5,000 cash, at isang cellphone na may mga mensahe tungkol sa transaksyon sa pagbebenta ng droga. (rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *