Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barangay hall niratrat (1 patay, 4 sugatan )

PINAULANAN ng bala ang isang barangay hall ng hindi pa kilalang armadong suspek kung saan namatay ang Barangay Tanod at apat pa ang sugatan, sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Pasay City Police chief S/Supt. Florencio Ortilla, ang napatay na si John Armiel Quilantang, 20, binata, ng 346 Magtibay Street, M. Dela Cruz, sanhi ng isang tama ng bala sa dibdib.

Dinala naman sa iba’t ibang pagamutan ang iba pang biktima na sina Maynard Alfaro, 33, Chairman ng Brgy. 134, Zone 13; Kagawad Noel Mariano, 43; Kagawad Jose Maria, at isang Frank Reyes, ng Makati City, na tinamaan ng bala sa kanilang mga katawan.

Sa ulat ni PO3 Rodolfo Suquiña, imbestigador, nanonood ng telebisyon ang mga biktima sa loob ng barangay hall ng Brgy. 134, Zone 13 dakong 9:30 ng gabi, nang biglang sumulpot ang tatlong armadong lalaki sa bintana at agad na nagpaputok ng baril.

Tinamaan agad ang tanod na si Quilantang at nagkaroon naman ng bahagyang pinsala ang iba.  Sinabi ni Chairman Alfaro na agad siyang nakakubli sa katabing kuwarto at nakuha ang kanyang baril saka nakipagpalitan ng putok sa mga suspek.

Sa pahayag ni Kagawad Mariano, nagbunot din siya ng kanyang baril at nagawang makipagbarilan sa mga hindi kilalang suspek na mabilis tumakas at naiwan pa ang itim na Yamaha Mio Soul scooter na walang plaka.

Sa footage ng “closed circuit television (CCTV)” sa katabing Barangay 130, Zone 13, nakita na sakay ang tatlong gunman ng narekober na scooter, sinusundan ito ng isang gray na kotse, at isa pang motorsiklo lulan  ang dalawa pang lalaki.  Narekober sa loob ng barangay hall ang mga basyo ng bala ng kalibre .40 at kalibre .45 baril.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen at inaalam din kung may miyembro ng pulisya sa panig ng mga suspek makaraang makita sa CCTV na isa sa mga gunmen ay nakasuot ng PNP athletic uniform habang ang scooter na narekober ay may sticker ng PNP at Manila Police District (MPD).

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …