Thursday , June 4 2026

‘Kolorum’ na paputok iwasan (Paalala ng NCRPO)

NAGPAALALA kahapon ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa publiko kung saan naglabas ito ng anim na payo upang maiwasan maputukan at maging ligtas sa pagpasok ng Bagong Taon.

Sa kanilang Facebook account na NCRPOReact,  merong “Iwas-Paputok tips” na pinapayuhan ang publiko na huwag bumili ng mga paputok na hindi nakalagay kung anong kompanya ang gumawa nito.  Delikado ang mga produkto dahil hindi subok ang kalidad.

Ikalawa, paalala ng pulisya na iulat ang mga nagbebenta ng paputok na walang tatak sa pulis o mag-text sa PNP Text 2920.

Ikatlo, huwag hayaan na magpaputok o maglaro ng watusi ang mga bata lalo na kung walang kasamang matanda.

Ikaapat, huwag gamiting panakot o biro ang mga paputok, baka maka-aksidente.

Ikalima, huwag magsunog ng lumang gulong sa kalye.

At pang-anim , kung maari, huwag gumamit ng paputok, PVC boga, watusi o baril sa pagsalubong ng Bagong Taon. Manood na lamang sa nakatakdang mga pampublikong pamputukan.

Sa datos ng Department of Health (DoH), tumaas sa 140 ang biktima ng paputok na karamihan ay mga bata.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …