Monday , December 23 2024

Wala na yatang safe na lugar

ITO ang buntong hininga  ng mga nangangambang mamamayan ukol sa breakdown ng peace and order  sa bansa.

“Crime is on the march,” ‘ika nga sa Ingles at tila ang ating nababasa sa pulisya ay gagawin ang lahat para masolusyonan ang lumulubhang insidente ang big crime incidents.

Ang pinakahuling hamon sa kakayahan  ng pulisya ay ang NAIA shooting  sa gitna ng isang katutak na security forces, may mga aviation police, NAIA security agency (sino kaya ang may-ari ng agency na ito na tiyak na malakas sa mga opisyal ni P-noy)at iba’t ibang security for-ces. Tapos dito pa sa NAIA mismo nangyari ang ambush slaying ng isang mayor ang Zamboanga del Norte.

Sa aking pagkakatanda tila pangalawa lang ito sa ambush killing incident sa vicinity ng airport,very busy at that. Ang una ay ang pagpatay kay dating Mayor ng Masbate sa Region V (Bicol) noong Martial Law. Pero ang nasabing airport walang comparison sa NAIA. Itong killing sa NAIA airport happened in broad daylight. Riding  in tandem ang mga salarin. Iyon kay Espinosa siya ay pinagbabaril habang naglalakad na sa runaway mula sa Manila-Masbate bandang alas-siete ng umaga. Politika ang dahilan.

Noon naman ambusin ang kotse ni dating Bise Presidente Emmanual Pelaez ng Cagayan de Oro City sa kasagsagan ng gulo ukol sa coco levy fund, pinagbabaril ang sasakyan ni Mr. Pe-laez. Isang miliagro ang nangyari. Nabuhay siya.

Habang dinadala si Bise Presidente sa emergency room ng isang opspital sa Quezon City, dumating si dating hepe and Northern Police District chief na si oolice General Tomas Karingal (the police Camp Karingal was named in his honor), nabanggit ni Pelaez ito: “What’s happening to our country general?” Hindi nagtagal mismong si Gen. Karingal ang pinatay sa sarili iyang teritoryo.

Ang pagkakaiba lang ngayon, walang araw na hindi nagkakaroon ng major, major crime tulad ng armed robber sa mga mall (mga jewelry shops) breakin sa maraming malalaking bahay sa sikat na subdivision na tila wala pang mga solusyon ngayon. Dahil hindi halos nasosolus-yonan.

Kaya naman tinaguriang “the second most dangerous place” ang pinaka-dangerous sa mga media people sa Syria. Samantala.hindi pa nga  gumagaling ang taguring “worst airport in the world – ang NAIA, handito na naman ang krimen na dapat ikahiya ng mga awtoridad.

Kailan kaya magpapaikot ng mga ulo ng mga opisyales sa Manila International Airport. Kung hihintayin natin baka tapos na si P-noy pulos ali-bi pa rin.

Ano bang lugar ang safe sa mga nabanggit na mamamayan? Sagutin lang ito ng mga kinauukulan.

Ang alibi walang pagkaubos.

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *