Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tiba-tiba ang Big 4 ng Parañaque sa Baclaran

ANG Big 4 raw ng Parañaque ang nagpapasasa sa sangkatutak na pwesto sa Baclaran.

Ito pala ang dahilan kung bakit hindi maalis-alis ang mga sagabal na pwesto sa siyudad na pinamamahalaan ni Mayor Edwin Olivarez.

Isang Lani raw ang lider ng Big 4 na kinabibilangan ng kanyang mga alagad na sina Eva, Arnold at Anton.

Bukod sa arawang tara ay talaga namang hindi na kumukuha ng permit sa city hall ang mga vendor dahil ang lagi raw pinangangalandakan ni Lani at ng grupo niya ay siya ang bahala sa permit at kay mayor.

Napag-alaman rin na may pwesto na sina Lani sa Baclaran at bukod sa nagbebenta ng iba’t ibang produkto ay mayroon pang pinauupahang pwesto.

Bihasa sa dilang bihasa si Lani dahil ganyan rin ang raket niya at ng kanyang mga alipores sa isang mall na nasunog sa northern part of Metro Manila.

Iyan ang dapat bantayan ni city council ng Parañaque at ni Mayor Olivarez dahil baka imbes umunlad ang kanilang siyudad ay mabaon pa sa utang dahil ang kanilang mga kinuhang tagapamahala ay puro tulisan.

‘Yan ang dapat tutukan ni Jojo L, isang  saradong bata ni Olivarez

***

Dapat nang sibakin ni PNoy si Justice Sec. Laila de Lima.

Sangkatutak na kasi ang sablay ni Aling Laila at ang pinakahuli nga nito ay ang ginawang pagpapalaya kay Antonio Leviste, dating gobernador ng Batangas.

Malinaw naman kasi sa batas na si Laila ang boss ng Board of Pardons and Parole kaya’t marami ang nagsasabing imposibleng hindi alam ni PNoy at ng kalihim ang ginawang pagpapalaya kay Leviste, na uncle ng kasalukuyang bise gobernador ng Batangas, at kapartido ng pangulo sa Liberal Party.

Sa maikling paliwanag, naghuhugas lamang ng kamay sina de Lima at PNoy dahil walang naniniwala na wala silang blessing sa pagpapalaya kay Leviste.

‘Yan ang ilan lamang sa mga panggago ng administrasyong ito dahil ang tingin nila sa Pinoy ay puro bobo.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …