You Glam bagong pag-asa sa negosyo at kagandahan 

Mary Ann Agustin You Glam

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SA patuloy na paglago ng industriya ng skincare at beauty products, ipinakikilala ang You Glam Skin Essentials, isang premium skincare brand na pinangungunahan ng Founder at Chief Executive Officer nitong si Mary Ann Agustin.

Layunin ng You Glam Skin Essentials na hindi lamang pagandahin ang balat kundi palakasin din ang kompiyansa ng bawat indibidwal at magbukas ng oportunidad sa mga Filipinong nangangarap magkaroon ng sariling negosyo.

Ayon kay Ms Mary Ann, isinusulong nila ang isang makabagong konsepto ng kagandahan na nakatuon sa kalidad, kaligtasan, natural beauty, at entrepreneurship.

Nakatuon din sila sa pagbuo at paghahandog ng premium skincare products gamit ang organic at science-backed formulations.

Ang mga sangkap nito ay mula sa kalikasan at makabagong skincare innovation upang makapaghatid ng mga produktong epektibo, ligtas, at mapagkakatiwalaan.

Binibigyang-diin din ng You Glam ang paggamit ng organic at pharmaceutical-grade ingredients na nagmula sa Thailand at Korea bilang bahagi ng layunin nitong makasabay sa international quality standards.

Kabilang sa mga produktong inihahandog ng You Glam ang skincare essentials, face creams, lip tints, at perfumes na idinisenyo para sa pang-araw-araw na pangangalaga at pagpapaganda.

Bilang CEO at Founder, hangad ni Ms Mary Ann na makabuo ng isang skincare brand na hindi lamang kikilalanin sa Pilipinas kundi maging sa pandaigdigang merkado.

Nais nilang maging isang globally recognized skincare brand na kilala sa kalidad, integridad, at epektibong formulations. 

“Hangad naming makabuo ng isang malawak na komunidad ng mga negosyanteng sama-samang lumalago sa industriya ng kagandahan,” ani Ms Mary Ann.

Sa patuloy na paglawak ng beauty industry, naniniwala ang kompanya na may malaking potensiyal ang mga Filipino-owned skincare brands na makipagsabayan sa pandaigdigang merkado.

Hindi lamang pagbebenta ng beauty products ang pangunahing layunin ng kompanya. Bahagi ng misyon nito ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga ordinaryong Filipino, mga magulang, empleado, aspiring entrepreneurs, at Overseas Filipino Workers (OFWs) na magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan sa pamamagitan ng beauty business.

“Ang tunay na kagandahan ay hindi lamang nakikita sa panlabas na anyo. Ito ay makikita rin sa kompiyansa, pangarap, at kakayahan ng bawat tao na baguhin ang kanyang kinabukasan,” wika pa ni Ms Mary Ann.

Nag-aalok ng negosyo ang You Glam sa pamamagitan ng mga pake nila: Reseller Package–₱999; City Distributor–₱20,000; Provincial Distributor–₱35,000; at Regional Distributor–₱50,000. 

Bukas ang You Glam Skin Essentials sa mga interesadong resellers at distributors sa buong Pilipinas at maging sa ibang bansa.