Sylvia naglabas ng resibo, Arjo-Maine ‘di naghiwalay 

Arjo Atayde Maine Mendoza

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAPAHIYA tiyak ang mga nagpapakalat na hiwalay na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Super sweet at magkasama pa rin sa iisang bubong ang mag-asawa.

Naglabas ng resibo ang premyadong aktres at ina ni Cong Arjo na si Sylvia Sanchez nang mag-celebrate ng kaarawan ang aktor-politiko kasama si Maine at ang buong pamilya Atayde. Kaya maling-mali ang mga kumakalat na tsismis na hiwalay na nga ang dalawa.

Sa totoo lang, makailang beses nang nabalita na hiwalay na sina Arjo at Maine, pero sad to say, walang katotohanan. 

Bago ang mga picture na inilabas ni Sylvia sa kaarawan si Arjo, nakahuntahan muna namin ang aktor-politiko sa kanilang food stall nang makiisa sila sa Katutubo Pop-Up Market sa Bench Tower. Dito’y dinala ng kapatid ni Arjo na si Gela Atayde ang kanilang Ibyang’s Chicken Spread, Cheese Pimiento, at ang napakasarap na Golden Crunch Tacos. 

Pagkatapos ng aming pakikitsika kay Arjo, napansin naming nagpabalot siya ng Tacos at nang pansinin namin ay ngumiti ito at sinabing pasalubong para sa kanyang asawang si Maine. How sweet debah?! So kung hiwalay sila, bakit kailangang magpasalubong? 

At noong Miyerkoles, ibinahagi ni Sylvia ang naging selebrasyon ng kaarawan ni Arjo. Tinuldukan ni Sylvia ang pagkalat ng mga fake news matapos mag-post nga ito ng mga litrato sa Instagram na kuha sa birthday celebration ng kanyang panganay na anak.

Sa mga larawang ibinahagi ni Sylvia, makikita sina Maine at Arjo na masayang-masaya na magkasama. Magkatabi sina Arjo at Maine sa mga litrato na nakaangkla pa ang Eat Bulaga host sa kanyang mister.

May caption ang mga larawan ng, “Belated happy birthday, Arjo. I Love you so much, nak! Late post!!!! (birthday dinner Nov.5). Happy afternoon. God bless you all!”

Bukod kina Arjo, Maine, at Sylvia, present din sa celebration ang padre de pamilya na si Art Atayde gayundin ang kapatid ni Arjo na si Ria kasama ang anak nila ni Zanjoe Marudo gayundin sinaGela at boyfriend nitong si Zaijian Jaranilla.

Bukod sa mga picture, may video post din si Sylvia na makikitang kasamang kumakanta si Maine ng Happy Birthday song para kay Arjo.

So there, siguro naman matatapos na ang pagkakalat ng mga pekeng balita ukol kina Arjo at Maine.