SB19, Julie Anne, at Gary pasabog performances sa ASEAN Summit 

SB19 Julie Anne San Jose Gary V ASEAN

I-FLEX
ni Jun Nardo

ENDING with a high note ang Asean Summit dahil sa pasiklab na performances ng SB19, nina Julie Anne San Jose, at Gary Valenciano.

Bukod kasi sa individual performances ng sikat nating artists, kinanta nila ang theme song ng Asean na Together in Motion.

Nakatutuwa namang pagmasdan ang pagsabay sa sayawan ng East Timor Prime Minister kasama ang local artists natin.

Samantala, nagkaroon naman ng selfie moments si Manila Mayor Isko Moreno with PH President Bongbong Marcos at US President Donald Trump sa Kalayaan Hall after ng talks ng mga Asean leader.

Binato man ng batikos, at inulan ng mga paninira, hindi maipagkakailang naging tagumpay ang pagho-host ng bansa ngayong Asean summit!