I-FLEX
ni Jun Nardo
NAIBAGI ng Sparkle actor na si Allen Ansay na kaya siya lumuwas ng Maynila noon ay para mag-audition sa Bahay ni Kuya.
Sad to say, hindi siya nakuha pero pinalad na maging bahagi ng isang reality show sa GMA and luckily, naging Sparkle artist.
Now, in full circle na si Allen dahil napasok na siya sa Bahay ni Kuya na hindi na dumaaan sa audition. Siya ang latest Kapuso Housemate sa PBB Collab 3.0.
Guwaping si Allen kaya may chance maging Ultimate Housemate kung makakapasa sa challenges at hindi agad matatanggal.
