MATABIL
ni John Fontanilla
ISANG taon na ang nakalipas simula nang ipalabas ang pelikulang ImPerfect pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong tinatangkilik ng manonood ‘di lang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa.
Hindi lang din sa Pilipinas ito humahakot ng parangal, kundi maging sa ibang bansa ay kinikilala ang husay ng pagkakagawa ng pelikula at husay ng mga artistang nagsipagganap dito.
Post nga ni Sylvia Sanchez sa kanyang Facebook. “YAHOOOOOO!!
A year has passed, but the journey of #ImPerfect continues to break barriers and win hearts around the world.
*AND WE’RE STILL UNSTOPPABLE!*
Another proud milestone as #ImPerfect takes home BEST LOVE MOVIE at the XIV International Disability Film Festival – Breaking Down Barriers, Moscow 2026!
One year later, and the world is still embracing #ImPerfect. We couldn’t be prouder!
Watch #ImPerfect available only on Netflix. #BreakingDownBarriers2026 NathanStudios CMBFilmServices VLTF
Thank you LORD!!!
Happy morning!!!! ”
Wagi nga ito ng Best Love Movie sa XIV International Disability Film Festival sa Breaking Down Barriers, Moscow 2026.
Kaabang-abang din ang documentary film ng ImPerfect na mapapanood sa ibang bansa.
