Arjo Atayde napakahusay sa Moonglow 

Arjo Atayde Moonglow

MATABIL
ni John Fontanilla

KAKAIBANG Arjo Atayde ang mapapanood sa pelikulang Moonglow, isa sa limang pelikulang tampok sa QCinema International Film Festival na feature film ni Isabel Sandoval.

Malayong-malayo sa mga naunang roles na kanyang ginampanan sa mga nagawa niyang proyekto, pero hanep ang husay niya rito.

Nakakikilig ang mga eksena nila ng bidang aktres dito na si Isabel na mahusay sa movie.

Ang Moonglow ay isang neo-noir romanti thriller film sa panahon ng batas militar sa Pilipinas. 

Kuwento tungkol sa krimen at romansa. Tungkol din ito sa pag-ibig, korupsiyon, at pakikipaglaban para sa tama kahit hindi palaging patas ang mundo.

Napakahusay ng pagkakalahad ng kuwento, maganda ang cinematography at pang-international ang kabuuan ng pelikula.

Produced ito ng Daluyong Studios, Nathan Studios, BOBO and DaSun Pictures.