ImPerfect muling nakasungkit ng pagkilala

Krystel Go Earl Jonathan Amaba ImPerfect

ni Rommel Gonzales

ISANG taon na ang nakalilipas pero patuloy pa ring umaani ng papuri at parangal ang pelikulang ImPerfect dito sa Pilipinas at sa buong mundo. 

Kamakailan, isa na namang karangalan ang nasungkit ng ImPerfect at ito ay bilang Best Love Movie sa  XIV International Disability Film Festival – Breaking Down Barriers, Moscow 2026! 

Oo, isang taon na mula nang mapanood ng publiko ang obra ng lady director na si Sigrid Andrea Bernardo at hanggang ngayon ay niyayakap natin ang mga karakter na binigyang-buhay sa big screen nina Krystel Go at Earl Amaba, mga natatanging alagad ng sining na mga kabataang may Down Syndrome.

Bukod sa kanilang bagong achievement sa Russia, patuloy pa ring napapanood ang ImPerfect sa NETFLIX! 

ImPerfect, mula sa Nathan Studios at CMB Film Services.