ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MULA sa mahigit 25 taong karanasan sa healthcare hanggang sa pagbuo ng isang internationally recognized skincare brand, patuloy na pinatutunayan ni Dr. Nathalie Ordanza na ang siyensiya, dedikasyon, at inobasyon ay maaaring maging pundasyon ng isang matagumpay na negosyo.
Hindi lang isang ordinaryong negosyante ang nasa likod ng umuusbong na skincare brand na ÉLAN Ivory Glow. Ang founder at CEO nitong si Dr. Nathalie, DHA, PhD, ay personal na nangunguna sa pagbuo ng formulation ng bawat produkto ng kanyang brand – isang hands-on approach na naging mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng ÉLAN.
Imbes umasa lang sa mga ready-made skincare formulation, mas pinili ni Dr. Nathalie na pag-aralan, konseptuwalisahin, at bumuo ng sariling formulation designs para sa kanyang mga produkto, gamit ang kaalaman sa healthcare, scientific research, at mga aktibong sangkap na ginagamit sa skincare.
Ang layunin niya ay malinaw, makalikha ng mga produktong hindi lang sumusunod sa uso, kundi may tiyak na layunin at tumutugon sa iba’t ibang pangangailangan ng balat. Ito’y sa tulong ng mga taon ng karanasan sa healthcare industry ni Dr. Ordanza, kabilang ang healthcare education, clinical documentation integrity, at professional leadership.
Kahit hindi cosmetic chemistry ang orihinal na propesyon, ginamit niya ang karanasan sa evidence-based healthcare at scientific research upang pag-aralan ang mga skincare ingredients, ang mga mekanismo, at kung paano maaaring pagsamahin ang mga ito sa isang multifunctional formulation.
Personal niyang pinangungunahan ang formulation development ng ÉLAN products, mula sa pagpili ng mga aktibong sangkap, pagtukoy sa kanilang layunin, hanggang sa pagdidisenyo ng mga produktong naaayon sa pangunahing pilosopiya ng brand.
Kabilang sa mga produktong ito ang Brightening & Cleansing Bar Soap, Radiance Defense Facial Mist, Renewal Lotion, Facial Repair Cream, Facial Repair Serum, Underarm Brightening Cream, Intimate Area Brightening Cream, at Revita+ PDRN Facial Cream.
Bawat produkto ay binubuo sa ilalim ng iisang prinsipyo: “Less Products. More Purpose.” Isang Formulation Philosophy na naghatid ng international recognition sa kanila.
Samantala, bilang isang skin care expert, bilib si Dr. Nathalie sa morena beauty ng mga Pinay at nabanggit niya ang ilan sa mga aktres natin.
Aniya, “Sobra po akong bilib sa morena beauty ng mga Pinay, like iyong complexion nina Kathryn (Bernardo) at Shuvee (Etrata)…
“Also, sina Nadine (Lustre) and Shuvee nakaka-good vibes ‘yung pagka-proud nila sa beach complexion and body nila talaga. Kathryn and Lovi (Poe) naman, ‘yung parang laging photoshoot ready ang awra nila, but they’re all gorgeous. Kaya proud talaga ako sa beauty ng mga Pinay.”
Nakangiting dagdag pa ni Doc Nathalie, “Even po ‘yung mga may fairer skin, maganda naman talaga tingnan pero nakaka-proud naman na ‘yung mga morena beauties nowadays, hindi na sila nao-awkward sa complexion nila. Kumbaga, mas open na silang tanggapin ‘yung pagiging morena nila, despite the Filipino beauty standard na kapag maputi, mas maganda.”
Anyway, isa sa mahalagang tagumpay ng ÉLAN Ivory Glow ang 2026 Australian Award for Excellence in Cosmetic Formulation. Ang parangal ay isang makabuluhang international recognition para sa brand at sa formulation-driven approach na isinusulong ng founder nito.
Sa formulation concept nito, binigyang-pansin ang skin renewal, hydration, at pagpapaganda ng hitsura ng dark spots, uneven skin tone, at rough skin texture.
Para kay Doc Nathalie, hindi sapat na ang isang skincare product ay may maraming aktibong sangkap. Mas mahalaga na ang bawat ingredient ay may malinaw na tungkulin at ang kabuuang formulation ay may makabuluhang layunin. Ang ganitong pananaw ang naging pundasyon ng patuloy na product development at innovation ng ÉLAN Ivory Glow. Hindi ito basta negosyo, ito’y isang personal na misyon.
Sa likod ng bawat produkto ay ang dedikasyon ng isang founder na aktibong nakikilahok sa pagbuo ng sariling skincare collection. Hindi lamang pangalan ni Dr. Ordanza ang nakalagay sa brand, ang kanyang mga ideya, pananaliksik, at formulation concepts ang nagsisilbing gabay sa paglikha ng mga produkto ng ÉLAN.
Sa loob lamang ng anim na buwan, nakapagtala na ang brand ng iba’t ibang national at international recognitions at mga oportunidad para sa retail expansion.
Bilang isang ina, healthcare professional, at woman entrepreneur, patuloy niyang ipinakikita na hindi kailangang manatili ang isang tao sa iisang propesyon upang makamit ang panibagong tagumpay.
Sa patuloy na paglago ng ÉLAN Ivory Glow, nananatili ang kanyang pangunahing paniniwala, “Ang tunay na inobasyon ay hindi nasusukat sa rami ng produktong nalilikha, kundi sa layunin at halagang naibibigay ng bawat isa,” sambit ni Dr. Nathalie.
