Pascual Lab naghatid ng tulong-pangkalusugan bilang bahagi ng kanilang ika-80 anibersaryo

Pascual Lab 80th anniversary

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAKIPAGTULUNGAN ang isa sa mga well-loved pharmaceutical companies ng bansa sa  Caritas Manila para mas mapalawig ang tulong pangkalusugan sa mga sektor na nangangailangan.

Sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng Pascual Laboratories, Inc. (PascualLab), pinalawig pa nila ang vision na palakasin ang health and wellness ng mga Filipino sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Caritas Manila kamakailan.  Layunin ng pakikiisa ng PascualLab sa Caritas na binuo sa pamamagitan ng isang Memorandom of Agreement (MOA) ang pag-aabot ng tulong sa marami pang mga komunidad na nangangailangan. 

Noong 1946, itinatag ng mag-asawang Leonora at Isosceles Pascual ang PascualLab upang tugunan ang kakulangan sa Vitamin C at mabigyan ng tuberculosis relief ang mga Filipino matapos ang World War II. Makalipas ang walong dekada, patuloy na pinalalawig ang portfolio ng kompanya, upang mabigyang-pansin ang iba’t iba pangangailangang pangkalusugan ng mga Filipino — kabilang ang food supplementation, cough relief, at oral health. 

Sa pamamagitan ng CSR Program na Sowing to Empower, Educate, and Develop (S.E.E.D.), isinusulong ng PascualLab and Sustainable Development Goals (SDGs), kabilang ang pagkakaroon ng pantay na oportunidad sa kalusugan para sa lahat. 

Kaya naman ngayong 2026, nakipagtulungan ang PascualLab sa Caritas Manila, ang social welfare arm ng Simbahang Katolika ng Manila, upang mas maisulong ang SDGs lalo ang SDG 3 o Good Health and Well-Being at SDG 17 o Partnership for Goals. Sa tulong ng malawak na network at logistical support ng Caritas Manila, mas mailalapit sa mga nangangailangan ang health products ng PascualLab, kabilang ang Ascorbic Acid (Poten-Cee) for adults and kids, Vitex Negundo L. Lagundi Leaf (Ascof), C-Lium Fibre Food Supplement, at OraCare Mouthrinse. 

Noong Oktubre, isinagawa ang unang joint initiative sa ilalim ng partnership sa Asilo de San Vicente de Paul, isa sa mga partner communities ng Caritas Manila. Nasa 90 benepisyaryo ang nakatanggap ng libreng medical check-up at cough relief products mula sa PascualLab. Nakiisa rin sa medical mission ang mga volunteer na  empleado ng PascualLab.  

Kaugnay nito, naglaan din ang PascualLab ng donasyong ASCOF Lagundi Ponkan na nagkakahalaga ng Php 16,558 para sa mga kabataang nangangailangan. Ang donasyon ay ipinagkaloob sa ngalan ng ilang piling miyembro ng media bilang pasasalamat sa kanilang patuloy na suporta sa kompanya sa mga nakalipas na taon.