Ben&Ben at Alamat tampok sa pagtatapos ng Puregold Hakot Relay

PureGold Hakot Relay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAKATAKDA na ang engrandeng pagwawakas ng 2026 serye ng Puregold Hakot Relay sa Manila, sa Disyembre 5. Ipinapangako ng huling yugto na gaganapin sa Burnham Green, Luneta, ang kapana-panabik na araw ng masayang paligsahan, kahanga-hangang pakikipagtulungan, at mainit na pakiramdam ng komunidad. Magtatapos ang serye sa isang gabi ng musikang itatampok sa Panalong Sunset Concert.

Muling hinahamon ng Manila edition ang mga runner na takbuhin ang isang race course habang nangongolekta ng mga groseri sa mga estasyon. Higit sa pagtatasa ng bilis at kakayahang tumagal sa pagtakbo, mahalaga sa Hakot Relay ang pakikipag-ugnay at kooperasyon, dahil bitbit sa finish line ang iisang layunin at saganang mga groseri aytem.

Mula noong unang edisyon nito sa 2025, lumaki na ang Hakot Relay sa isang serye na umaabot sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, nagbibigay ng pagkakataon  sa mga kalahok na sumali sa isang kakaibang hamon sa pagtakbo—na may oportunidad na mangolekta ng mga groseri para sa kani-kanilang mga pamilya. 

Pagkatapos ng matagumpay na yugto sa Iloilo at Southern Luzon sa umpisa ng taon, ang yugto sa Manila ang magsisilbing kulminasyon ng serye. Muling mararamdaman ang pagkasabik sa paligsahan, ang premyo ng pagtutulungan, at ang tibay ng samahan na naging tatak na ng event.

Para kay Puregold Senior Marketing Manager Ivy Hayagan-Piedad, nasa puso na ng Hakot Relay ang pagbibigay sa mga tapat na suki ng karanasan na higit pa sa kanilang araw-araw na pamimili sa Puregold.

“Sa ikatlo at pinal nitong yugto ngayong taon, patuloy lamang na inilalabas sa atin ng Puregold Hakot Relay ang matatag na pakiramdam ng komunidad,” ani Ms Ivy. “Ipinapaalala sa amin ng mga kostumer na isinasama ang kanilang mga pamilya, kaibigan, at kapwa runner sa event ang dahilan kung bakit patuloy kaming lumilikha ng ganitong mga karanasan. Gusto naming magbigay ng higit pa sa mababang presyo ng bilihin—handog din namin ang makabuluhang mga karanasan na maalala ng aming mga tagapamili. Ang Manila leg ay paraan din namin ng pagreregalo, sa pagtanggap namin ng higit 8,000 runner na mag-uuwi ng mga groseri ngayong Kapaskuhan.”

Pinasasaya lalo ng pagdiriwang ang inaabangang pagbabalik ng Panalong Sunset Concert, na naka-iskedyul ng 6:00 p.m. sa Quirino Grandstand. Tampok ang mga paboritong grupo, ang ALAMAT at Ben&Ben bilang nangunguna sa selebrasyon, kasama ang sumisikat na girl group na XONARA.

Karagdagang dahilan ang concert upang makilahok ang mga tagahanga ng musika sa Manila event. Habang kinokompleto ng mga runner ang Hakot Relay, maaaring makakuha ng libreng Panalong Sunset Concert na may Sampling Pass ang publiko sa Nobyembre 15, sa pamamagitan ng pagbili ng halagang  ₱3,000 groseri sa Puregold Cubao o Puregold QI Central.

Bago ang araw ng Hakot Relay, maaaring kunin ng mga kalahok ang kanilang race kit mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 3 sa limang Puregold branch:  Puregold Cubao, Puregold Paco, Puregold QI Central, Puregold Tayuman, at Puregold Taytay.

At para matanggap ang kanilang opisyal na singlet at race bib, ipresenta lamang ang claim stub sa Puregold store kung saan nag-register. Ang finisher’s medal, hakot loot bags, grocery sling bag, at finisher’s grocery bag ay makukuha sa mismong araw ng pagtakbo.

Sa pinakarurok na punto ng 2026 serye, pinagsama-sama ng Manila leg ang lahat ng naglalarawan sa Puregold Hakot Relay bilang karanasan ng komunidad: ang pagkasabik ng pagtakbo bilang koponan, ang saya ng pangongolekta ng groseri, at ang pagkakataong maibahagi ang napanalunan sa pamilya, kaibigan, at mga kapwa-kalahok.

Ipinapangako ng pagdiriwang sa Disyembre 5 ang hindi malilimutang pagtatapos sa isa na namang taon ng Hakot Relay, kasama ang mga kalahok at dadalo sa concert, sa karanasang Always Panalo.

Manatiling updated sa mga event at anunsyo ng Puregold. Mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, i-like @puregold.shopping sa Facebook, at i-follow @puregold_ph sa Instagram at Twitter at @puregoldph sa TikTok.