I-FLEX
ni Jun Nardo
VETERAN and new stars ang tampok sa pelikulang 40 Days mula LVD Productions na pinamamahalaan ng kapatid ng pumanaw na talent manager na si Leo Dominguez kasama ang trusted man nitong si Fred Blasco.
Si Louie Ignacio ang director kaya nag-message kami sa kanya kung ano ang hirap niya sa pagdidirehe ng new at veteran stars.
“Mahirap i-handle every scene ng mga senior star kasi every scene nila parang highlight kinukunan ko.
“Kailangan pare-pareho ang exposure kasi lahat sila big stars at award winning. In fairness very cooperative sila.
“Iba talaga ang mga artista noon. Very pro. Amg sarap nila idirehe sa mga scene parang totoo at ramdam na ramdam mo ang emotions.
“Sa mga young star na kasama siyempre kailangan nila mag-adjust kasi may takot pa sila kapag kaharap ang senior stars. Kahit ako naman noong baguhan eh talagang nanginginig ako ‘pag sila ang kaeksena ko! Hahahaha!
“Pero natatapos nila ang eksena ng napakaganda at happy ako sa resulta,” sagot sa mensahe namin kay direk Louie.
Pahayag pa ni direk, ang mama niya ang inspirasyon niya sa paggawa ng movie. “Siya ang ginaya ni Tita Perla kung paano siya naghirap sa dementia at sakit na bedsore.
“Nakaiiyak habang ginagawa ko ang movie kaya nakapagsusulat ako ng theme song ng film dedicated ko sa aking dakilang ina na si Fe Lagdameo Ignacio,” sabi pa ni direk Louie.
Ang veteran stars na kasama sa movie ay sina Elizabeth Oropesa, Dina Bonnevie, Snook Serna, Lloyd Samartino, Lotlot de Leon at ang junior stars ay sina Diego Gutierrez, Jayson David, Yvonne Asher at iba pa.
