Dingdong walang problema maging drag contestant

Dingdong Dantes drag gay Master Cutter

I-FLEX
ni Jun Nardo

SAYANG at hindi namin napanood kahapon ang episode ng Master Cutter na isa sa nagsuot bilang drag contestant si Dingdong Dantes. 

Hindi ko nakita kung naka-drag din si Ketchup Eusebio pero nakita ko sa isang post na pati si Kelvin Miranda eh naka-drag.

Of course walang issue kung naka-drag si Dong basta importante sa kuwento at sigurado naman siya sa sexual preference nila pati ang ibang kasama niya sa grupo.

Eh patapos na next week ang season 1 ng Master Cutter at papasok na sa season 2 kaya nag-leave muna siya sa Family Feud.