VMX Babes palaban handa sa anumang intriga

VMX Babes Jugjog

I-FLEX
ni Jun Nardo

TINANGGAL na ang salitang Hot sa bagong female sexy group ng Viva, ang VMX Babes.

Anim lahat ang bumubuo ng VMX Babes – Ataska, Zsara Laxamana, Sky Gonzaga, Rhian Rivera, Micaella Raz, at Christy Imperial.

Humarap muna  sila sa ilang members ng media at vloggers bago ang special launching ng debut single nilang Jugjog sa pampainit na show nila sa Viva Café last Wednesday night.

Pangarap nila ang mailabas ang talent nila sa pagkanta at pagsasayaw. Dumaan sila sa pangmalakasang training.

Subalit kahit nabuo na sila eh gagawa pa rin sila ng VMX movies. Handa na rin naman silang harapin ang lahat ng ibabato sa kanilang paninira! Basta, gagawin lang nila ang gusto nilang mapasaya ang mga tao.

Sa tanong kung sino ang gusto nilang maka-collab sa kanta, nagsabi sila ng grupo at indibidwal. Pati si Zsara ay nagsabi rin at may hirit na, “Puwede na rin ang mga ate!” na ang tinutukoy niya eh ang Viva Hot Babes.

Kagabi inilabas ang music video ng Jugjog sa lahat ng streaming platforms at sa mediacon, paglabas namin ng Viva ay may nakapila nang mga kalalakihan upang saksihan ang VMX Babes!