Ashley Lopez inaral Hentai character 

Ashley Lopez My Hentai Girlfriend

MATABIL
ni John Fontanilla

KAKAIBA Aang bagong ihahain na pelikula ng VMX sa mga manonood at ito ang My Hentai Girlfriend na pinagbibidahan ng isa sa may maganda at maamong mukha sa mga VMX girls, si Ashley Lopez kasama si Gold Aceron.

Kuwento ni Ashley sa kanyang role sa My Hentai Girlfriend na idinirehe ni Bobby Bonifacio Jr., “I am Aya here, isa po akong Hentai dubber. Actually hindi lang po dubber, anime games and everything.

“Then raketera po ako until ma-meet ko po si Ren, (Gold Aceron). Mag-partner po kami na nang nalaman niya na ako ‘yung nagda-dub ng paborito niyang hentai character nagkaroon ng conflict.

“Gusto niya lang sa akin ‘yung voice ko, everytime na magse- sex kami naghe-hentai po ako ng voice.”

Very honest din nitong inamin na nanononod siya ng hentai at anime.

“Opo nanonood po ako ng hentai, actually para mas mapag-aralan ko po siya kung paano ba sila makipag- love scene, ‘yung voice. Kasi ‘yun po talaga ‘yung kailangan ko, pag- aralan ‘yung boses po nila, kasi sobrang tinis, level 10 ganoon po sila.”

Bata pa lang ay mahilig nang manood ng anime si Ashley.

“Opo bata pa lang ako mahilig na ako sa anime. Ngayon po ang paborito kong anime ‘yung ‘Solo Levelling’ and ‘Poco The Hero.’”

Ibinahagi naman ni Direk Bobby na nakaaaliw ang story ng pelikulang My Hentai Girlfriend.

“Nakaaaliw po ‘yung story nito kasi bukod sa pagkakaroon ng scene na Japanese porn, very young ‘yung romance na na-develop dito between Ashley and Gold, sa characters nila.

“So ang cute at ang sweet niyong pagiging romantic element sa una, parang it turns to something dark in the end.

“Which tells us something about the negative side of obsession din naman po.”

Makakasana nina Ashley at Gold sina Akira Takamura at Nico Valdez at mapapanood na sa VMX sa October 9, 2026.