MATABIL
ni John Fontanilla
MAS gusto ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang babaeng makakasama sa buhay o magigimg misis in the future ay isang handy woman at hindi trophy girl.
Ayon kay Gerald sa mediacon nito at contract signing bilang endorser ng Greenfield Tools na ginanap sa Perfect B sa Scout Lascano, Quezon City last October 05, “Old school kasi ako, siyempre ako ‘yung magtatrabaho tapos, siyempre si misis na ang bahala sa bahay.
“Gusto ko ganoong set up, hindi ko maintindihan kung ano ang trophy girlfriend hanggang saan ‘yun? Siyempre partner in life ang kailangan ko.
“Siyempre sa simula, simula lang ang trophy girlfriend na ‘yan eh, kapag nakita ka niya at your lowest, ‘pag mainit ulo mo, ‘pag obstacle at challenges sa trabaho ‘di ba, dapat pag-uwi peaceful ‘di ba?,” nakangiting tugon pa ni Gerald.
Paliwanag pa ni Gerald, “But ‘yun talaga nandoon ako sa old school mentality na ang lalaki ang provider, si misis ang partner mo ang bahala sa bahay, sa mga anak, sa pamilya.
“I mean I don’t know baka ma-cancel ako, kasi hindi ko alam ano bang dapat ngayon? Pero medyo nasa ganoon pa rin ako,”
pag-amin pa ni Gerald na hindi naman mataas ang standard niya sa babaeng mamahalin at magiging ka-partner sa buhay.\
“Hindi naman mataas standards ko, sabi ko nga ganoon lang ako ka-simple talaga.
“Hindi lang ako nagmamadali ‘di ba? Darating din naman ‘yan, alam naman nating darating ‘yan.”
Masayang-masaya si Gerald na muli siyang pumirma bilang endorser ng Greenfield Tools at magpapatuloy ang kanilang partnership.
“Masaya ako, hindi kasi pilit ang partnership na ito. Lifestyle ko talaga ito and I’m very proud na ipagyabang ‘yung mga produkto ng Greenfields nagagamit ko talaga.
“’Pag pumunta kayo sa bahay o sa resort ko, ‘yung mga gamit doon mga Greenfield, ‘yung sa resort ko kung saan madalas ang brownout, ngayon kahit may brownout hindi mararamdaman ng mga guest namin dahil sa Greenfield Tools.
“I’ve always say na ‘yung resort ko is powered by Greenfield Tools, kaya ‘di naiistorbo ang mga guest namin.
“Masaya ako kasi marami pa kaming gagawin together and sobra akong naniniwlaa sa produkto nila at very grateful na naniniwala rin sila sa akin.”
Ayon naman kay Mr. Wayne Coherco (Vice President ng Herco Trading Inc./ Greenfield Tools sa kung bakit si Gerald ang kinuha nilang endorser, “Gerald reflects what we want people to think of when they think of Greenfields–dependable, determined, and ready when someone needs him.“
