Gelli sinopla ni Dennis: Sisihin mo ‘yung nagsimula ng gulo!

Gelli de Belen Dennis Trillo

MA at PA
ni Rommel Placente

HININGAN ng reaksiyon si Gelli de Belen sa guesting niya sa Chika Cart hosted by Baninay Bautista, Donita Nose, at Jefferson Fernardo, hinggil sa nangyayaring pambabatikos ngayon sa pamilya Garcia na nagsimula matapos magpa-interview ni Patrick at ungkating muli ang isyu sa pag-iwan niya umano kay Jennylyn Mercado na buntis noon sa panganay nilang anak na si Alex Jazz.

Sabi ni Gelli, “Hindi kailangang maging ganito kalaki kasi the reason why this was brought up was because nasasaktan ‘yung anak ni Patrick. Sa kagustuhan namang makatulong niyong ama, mas lalong nagkaroon naman ng problema.

“Ang dami nang parang na-involve nang na-involve.Sana ‘wag nating kalimutan na may mga batang pinag-uusapan at ‘yun naman sila talaga ang pinaka-importanteng dahilan. ‘Yung mga magulang, mga nakatatanda, nakapag-move on na sila sa mga buhay nila. So sana let’s show the young ones what is right, what should be done. and not show them all this bad stuff.”

Agad namang nakarating kay Dennis Trillo, mister ni Jennylyn ang pahayag ni Gelli dahil na rin sa pag-tag ng mga netizen sa kanya.

Sunod-sunod nga ang kanyang naging komento sa naturang Instagram post na mapapanood ang reaksiyon ni Gelli sa isyu.

“Ako lang ba o parang may kinakampihan ang mga magagaling na ito? Congrats sa new show sa GTV !!!! bagay na bagay kayo jan [poop emojis],” komento ni Dennis.

Pagpapatuloy niya, “nananahimik kami…lahat yan ay natural na reaksyon ng matinong TAO! Pasalamat kayo, dinaan ko nalang sa ganyan. Oo kawawa talaga mga bata, may mga anak din kami! Sisihin mo ‘yung nagsimula ng gulo!”

Pagtatapos ni Dennis, “Agree lang ng agree ang mga #8080.”

Marami naman sa mga netizen ang kampi kay Dennis.

Chika ng netizens, mukhang kampi daw ang “jellyfish” sa “starfish.”