Atty Joji dinepensahan si Jen laban kay Patrick: She chose life – over fame and fortune

Atty Joji Alonso Jennylyn Mercado

I-FLEX
ni Jun Nardo

KINUYOG  ng netizens ang ginawang pag-iingay ni Patrick Garcia sa interview kay Ogie Diaz after ilang taon at kapwa na sila may pamilya ng ina ng anak niyang si Jennylyn Mercado. Si Patrick ang unang nakabuntis kay Jen noong panahong nagsisimula na siya ng career sa showbiz. Nanganak at naging tagumpay ang pagbabalik sa showbiz.

Walang balita kung may naitulong ba si Patrick noong panahong lumalaki ang anak nilang si Jazz na isang special child.

Hanggang napangasawa si Dennis Trillo at nagkaroon ng sarili nilang anak ni Jen. Masaya na silang namumuhay until heto na nga si Patrick na sa ilang pahayag niya eh hindi nakikita ang anak na si Jazz.

Ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila ang matapang sa pagsumbat kay Patrick sa ginawa niya. May parunggt din si Dennis pero nanatiling tikom ang bibig ni Jen.

Naglabas naman ng pahayag sa kanyang Facebook account si Atty. Joji Alonso na naging producer ng movies ni Jennylyn na English Only, Please at Walang Forever.

“I have known Jennylyn Mercado even before she won Starstruck. She was then a teen hoping to help her family build a better life.

“Jen Mercado is not a perfect person – just like the rest of us.

“But she chose to keep her baby during a time when she was climbing to the peak of her young career.

“She chose life – over fame and fortune.

“She struggled and met many challenges over the years to raise a special child, as a single parent.

“Jen could have chosen to speak ill but she didn’t.  She chose to protect the peace she gained and avoided  hurting anyone else.

“That says more than someone who had all of 18 years to be a father of his son.”

Naku, ‘wag ninyo nang depensahan si Patrick na para bang kayo ang boses niya! Lalo na ang isang unaasta-astang messiah ng industriya eh wala namang kontribusyon sa showbiz!