Jenn Rosa gustong maging action star

Jenn Rosa Christian Paolo Lat

MATABIL
ni John Fontanilla

BUKOD sa pagiging sexy star, pangarap ng VMX star at host sa pelikulang Tatak Jenn Rosa na si Jenn Rosa na maging isang action star.

Kuwento ni Jenn, “Gusto ko mag-aksiyon para mailabas ko naman ‘yung astig side ko. Gusto ko ‘yung nambubugbog ako, ‘yung babaril ako, ‘yung papatay ako, ‘yung mga ganoon, ‘yung action side.”

Dagdag pa nito, “Game rin naman ako sa mga acrion stunt. Actually magaling si Direk Chris diyan (Christian Paolo Lat) puwede kami ulit next time.”

May mga limitation si Jenn sa paggawa ng mga sexy scene, pero kung kinakailangan sa eksena at sa ikagaganda ng pelikula ay willing itong mag-all the way.

“Hindi ko kayang ibuka ‘yung legs ko kapag walang plaster, pero may movie ako ‘yung ‘Helena,’ wala talaga akong plaster doon. 

“So ‘yun ‘yung first movie na ginawa ko ‘yun, pero puwede naman kung may susunod pa at maganda ‘yung story, puwede ko pa rin naman gawin ‘yung ganoong bagay.”

Sobrang saya nito at grateful sa importansiyang ibinibigay sa kanya ng Viva. 

“Ayon grateful ako siyempre kasi na-feel ko ‘yung importansiya ko sa trabaho ko na parang hindi lang sa pagiging sexy actress, binigyan din nila ng importansiya ‘yung trabahong ginagawa ko, para bigyan nila ako ng ganitong project.

“And siyempre naka-work ko si direk Lat, pareho kasi kami ng zodiac sign (Taurus), so sobrang magkasundo. So alam na niya kapag next time.”

Masaya at mas madali na mag-host ng sariling pelikula, pero gusto nitong mag-host sa pelikula ng ibang mga VMX star.

“Pinanood ko siya kagabi tawang-tawa ako kasi nakita ko ’yung sarili ko roon sa movie na may pagkabakla kasi ako, malanding bakla.

“Tapos ‘yung mga sagot ko sabi ko hala, baklang-bakla ko naman dito.

“Pero masaya na ako ‘yung host ng movie ko, pero minsan parang mas masarap ding i-host ‘yung movie ng iba.”

Nagki-cringe nga ito sa tuwing napapanood ang sarili sa mga VMX film na nagawa niya.

“Naki-cringe talaga ako kapag pinapanood ko ‘yung sarili ko na baklang-bakla naman siya pero okey lang dahil in a good way naman,” sabi pa.

Panigurado ni Jenn na mag-eenjoy ang lahat ng manonood ng Tatak Jenn Rosadahil dito makikita ang ibang side niya.

“Mag-eenjoy kayo sa ‘Tatak Jenn Rosa’ kasi makikita niyo ‘yung ibang side ko sa nakikita niyo sa VMX movies,” sabi pa ni Jenn.

Mapapanood na ang pelikulang Tatak Jenn Rosa sa VMX, sa mahusay na direksiyon ni Christian  Paolo Lat, hosted by Jenn Rosa.