Puregold Cine Panalo parami nang parami mga sumasali

Chris Cahilig Puregold CinePanalo Film Festival 2026

HARD TALK
ni Pilar Mateo

THREE years and counting.

‘Yan na ang narating ng Puregold Cine Panalo ng Festival Director nito na si Chris Cahilig.

At kada taon, parami na rin nang parami ang mga sumasali sa festival.

Lalo na sa mga estudyante mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Pati na sa mga full-length project.

This year, 26 na pelikuka ang mapapanood sa panahon ng  festival mula Setyembre 24–Oktubre 4, 2026 sa Gateway Cineplex 18, Trinoma,  Fairview Terraces, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay, at Market! Market!

Ang Puregold CinePanalo Film Festival 2026 ay suportado ng Alaska, Angel, Argentina, Ariel, Bingo, Birch Tree Fortified, Bear Brand, C2, Century Tuna, Champion, Chuckie,  Coca-Cola, Colgate, Cream Silk, Datu Puti, Downy, GoodNom Fresh, Great Taste, Del Monte, Jack ‘N Jill, Knorr, Lucky Me!, Maggi, Magnolia Real Mayonnaise, Milo, Monde, MY San, Nestea, Nissin, Nivea, Palmolive Naturals, Pantene, Purefoods, Rebisco, Royal, Safeguard, Sprite, Surf, Wilkins, at Zonrox.

Ang napakasipag na festival director, kahit pa natapos na ang grand media launch sa Skyview ng Gateway Mall 2, hands-on sa pag-ingress ng mga materyales na gagamitin sa simula ng mga palabas, katulong ang isa sa sinasabing may kinabukasan sa pagdidirehe na si Joseph Abello. Na direktor ng Wantawsan na full length movie tampok si Joross Gamboa.

Sa kapirot na kwento ni Chris, nasabi nitong may mga frustration siya noong una sa pinasok na proyekto. At marami nga ang pumigil at nagsabi sa kanya na hindi ito magtatagumpay.

“I tried directing. ‘Yun ang gusto kong gawin. At nag-produce rin. Remember ‘Echorsis.’ Kaso, inabutan ng pandemic noong 2016. What to do? It’s in 2025 when I did some pa rin naman.

“That was where nakita ko na maraming aspirants sa ating industriya. Na magagaling. So, roon nagsimula ang goal ko to help these filmmakers. Kaya the festival was born. At ang nakatutuwa, ang isang chain ng groceries ang nagtiwala para sa project na ito.”

Dahil nasa mundo rin siya ng consultancy, lumalapit ang mga biyaya kay Chris. Hanggang noong 2025 ay inilunsad niya ang radar.ph. That’s another story.

Sa ngayon, ang focus ay nasa 26 na pelikulang sabi nga ni Chris eh, “Mahihirapan ang jury. Wala kang itulak-kabigin. Sa magkakaibang genre man. Ang huhusay na nila. Lalo the students.”

Sa seven (7) full-length films, mapapanood sina Rochelle Pangilinan at Zanjoe Marudo, Kahlil Ramos, Juan Carlos Labajo, Candy Pangilinan, John Arcilla, Inah Evans, Alwyn Uytingco, Xyriel Manabat, River Joseph, Joross Gamboa, Rita Daniela, Cris Villanueva, at Agot Isidro.

Ang presyo ngregular ticket ay P250 at P200 ang discounted.  May festival pass na P2,000 para mapanood ang buong line-up. Pasok sa discounted tickets ang PWDs, senior citizens, estudyante, national athletes, at ang Aling Puring and Perks cardholders.

Tuklasin ang sari-saring estilo ng pagpapahayag ng mga istoryang kikiliti sa imahinasyon ng manonood.

Maging inspirado! Ito na ang mga katangi-tanging pelikula ng kasalukuyang henerasyon!