Thursday , June 4 2026
Jennylyn Mercado Rhea Tan Beautederm

Jennylyn may frozen embryo sa Texas; Muling pumirma ng kontrata sa Beautederm

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAUNAHAN ng President at CEO ng Beautederm na si Ms Rei Anicoche Tan ang entertainment press na matanong si Jennylyn Mercado kung susundan na ba nito ang anak nila ni Dennis Trillo na si Dylan?

Ang pag-uusisa ay naganap nang muling pumirma si Jennylyn ng kontrata sa Beautederm noong Mayo 6, 2026, Miyerkoles, sa Solaire North, Quezon City. Bale si Jen ang ambassador ng Reverie, the company’s luxurious home scents and lifestyle line. Siya ay inilunsad bilang mukha ng rebranded na Reverie Air Fabric Freshener.

Natanong kasi ang aktres kung ano sa anim na scents ng Reverie— Cafe Aroma, First Embrace, Pure Serenity, First Nostalgia, Lily Lush, at Cloud Whisper— ang favorite niya kapag nagla-loving-loving sila ng asawang si Dennis?

At dito biglang sumusog si Ms Rei ukol sa kung susundan na nga si Dylan. 

Magpo-40 na nga ako. Hindi ko pa alam. Pero kung ibibigay, bakit hindi?,” tugon ng aktres.

At saka nito naibahagi na may kasunod na si Dylan.

Ang tinutukoy ni Jen ay ang naka-preserve na embryo nila ni Dennis sa Texas na ginawa nila bago pa man niya ipagbuntis si Dylan. Pero bigla ngang nabuntis ang aktres ng natural na paraan kaya hindi na muna nila itinuloy ang IVF (in vitro fertilization) process.

Sa mga nakaaalam niyong story ko tungkol sa pagbubuntis, mayroon pa talaga akong isang boy na buo na, nasa Texas,” pagbabahagi ng Asia’s Ultimate Star.

So, kung maisipan ko man, siguro siya na lang. Kasi, sabi niya, ‘Ano ba yan, napag-iwanan na ako?! Nauna pa si Dylan sa akin. Nauna ako sa kanya.’ Ha! Ha! Ha!,” natatawang kuwento pa ni Jen.

Sakaling hindi na mabuntis ulit ng natural na paraan, sinabi ni Jen na baka isagawa na nila ang IVF para sa 2nd baby.

Pero sa ngayon, nae-enjoy pa namin si Dylan. Gusto pa namin siyang tutukan. Mas magandang naka-focus kami sa kanya kasi ‘yung mga kuya niya, mga binata na,” anang aktres na ang tinutukoy na mga kuya ni Dylan ay si Jazz na anak ni Jen kay Patrick Garcia at si Calix na anak naman ni Dennis kay Carlene Aguilar.

Samantala, naibahagi rin sa paglulunsad kay Jen na CEO na rin ito dahil may sarili na itong skinline products.

Bagamat may sarili na ring produktong pampaganda, hindi pa rin siya pinakawalan ni Ms Rei. Katwiran ng mabait na negosyante, “Siyempre, anong edad na rin natin. Kailangan talaga, magnegosyo na rin. Mag-ipon.’

“Kaya sabi ko, ‘Suportado kita.’ Parang gaya ni Maja [Salvador], ‘di ba?

Bebe ko pa si Jen at kumare. Inaanak ko si Dylan.

“Si Jen at iba pa ang mga kapatid ko na mga anak-anakan ko. Kung saan sila maggu-grow, nandito kami as pamilya.

“So, walang maghihiwalay as long as mahal namin ang isa’t isa. I appreciate that gesture na talagang sinabi ko, ‘Be, renew na tayo.’ Sabi niya, ‘Ate, paano ‘yan?’ Gumanun siya.

“Sabi ko, ‘Walang problema.’ ‘Kasi, walang kontra-kontrata na ano. Pamilya tayo. ‘Yung kontrata, ano lang naman ‘yan, eh. Papel lang ‘yan.

“I-crumple ko lang ‘yan. Sunugin. Ang importante, ‘yung pagkakaibigan namin. Basta’t happy siya.

At saka maganda talaga si Jen, bagay na bagay sa kanyang maging CEO,” depensa pa ni Ms Rei kay Jen.

Sinabi naman ni Jen na malaki ang pasasalamat niya kay Ms Rei dahil sa pagiging maunawain nito. 

Nandiyan pa rin para suportahan ako. Inilipat lang ako sa Reverie.

Sabi niya, ‘Bebe, gusto ko pa rin na nasa Beautederm ka.’ ‘Ako rin naman, Ate. Gusto ko sana, kaya sana huwag kang magalit.’

“Hindi talaga siya nagalit at unexpected na sinuportahan pa rin ako.”

Bago pa maging Reverie ambassador si Jen, ginagamit na pala niya ito, taong 2018 pa. At hindi pa pala magkakilala noon sina Jen at Ms Rei.

Two years ago nang magsimula ang partnership ng dalawa na nauwi sa tunay na pagkakaibigan hanggang sa maging ninang pa ni Dylan ang presidente ng Beautederm.

Pansamantala mang nawala sa market ang Reverie dahil sa pandemic, nagbabalik ito na mas pinabango at bagong packaging.

Pinili ni Rei si Jennylyn dahil sa kanyang imahe bilang isang “real-life modern woman” na mayroong authenticity, elegance, at comfort na kinakatawan ng brand ng Reverie.

Ang partnership ding ito ay nagmamarka ng pagbabago para kay Jennylyn mula sa beauty line tungo sa lifestyle/home care division ng brand, na nagpapakita ng bagong direksiyon para sa Beautéderm sa pagtutok sa home atmosphere.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …