Thursday , June 4 2026
Jendo Jonathan Makiling Abaya
IBINAHAGI ni Jendo Founder, Grandmaster at Professor Jonathan Makiling Abaya (may mikropono) ang kahalagahan ng martial arts sa kabataan na tinalakay sa lingguhang Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc.(TOPS) Usapang Sports forum, kasama sina Jendo Association of Mandaluyong President Guro Christopher Matias, National Training Directors na sina Guro Georgia Zaragoza at Guro Mark Vincent Doblada na ginanap sa Philippine Sports Commission (PSC) media room sa RMSC sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

Jendo: Pagbuhay sa Filipino Martial Arts para sa Kabataan

NAIS ng Jendo Philippines Association (JPA) na imulat ang mga kabataan sa Filipino martial arts katulad na Jendo para mas maging aktibo ang lifestyle at mabawasan ang atensyon sa paglalaro ng gadgets.

Ang Jendo na nagumpisa noong 1973 sa Mandaluyong City sa pagtataguyod ng kanilang Founder na si Grandmaster at Professor Jonathan Makiling Abaya ay isang fighting art na ginagamit ang empty hands at mga traditional na Filipino weapons bilang parte ng self-defense mechanism.

Mula sa Pilipinas, nakarating rin ang Jendo sa iba’t ibang parte ng bansa tulad ng Korea, US, at mga bansa sa Middle East na malaking factor upang buuin ang International Jendo Federation.

Sa ngayon ay naka-focus ngayon ang grupo sa pagdaraos ng training programs pati na ang local tournaments na idinaos taon-taon upang ma-develop pa ng mas marami pang kampeon sa Jendo.

“Ang number one requirement namin ay mag-grow kami nationwide sa grassroots. Ang events ay tinatakbo ngayon ay ang National Martial Arts Games Committee (NMGC) Games, In-School Youth Martial Arts Games at ang Jendo National Championships at isasagawa natin sa last quarter of the year.”, sinabi ni Abaya sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. Usapang Sports forum na ginanap sa Philippine Sports Commission (PSC) media room.

Nakikipag-ugnayan rin ang grupo sa Philippine Olympic Committee para maging accreditated National Sports Associations na kabilang sa local Olympic body at sa Philippine Sports Commission para sa paglaan ng dagdag ng pondo para masuportahan ang grassoots program.

“Naghanda po kami ng requirements na naipasa namin pero inabot po kami ng pandemic, eleksyon at pagpapalit ng PSC leadership kaya lielow muna kami, tuwang-tuwa na kami kay Chairman Patrick Gregorio, nagkaroon kami ng meeting nung March 22 with PSC at nag-forward kami ng application, baka sakali, ma-align kami sa grassroots program, hopefully by 2027 masuportahan tayo.”, dagdag ni Abaya sa forum na sinuportahan ng PSC, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Para kay Jendo Association of Mandaluyong President Guro Christopher Matias, malaki ang pagasa na mas marami pang kabataan na mageenganyo na matututo ng Jendo sa kanilang lungsod na tinaguriang Birthplace ng Jendo.

“Nag-spread tayo sa bawat barangay sa Mandaluyong at maging sa Botanical Gardens, may mga chapters galing sa Makati at San Mateo at ang latest sa Isabela at sa Negros.”, dagdag ni Matias.

Malaki ang pagpapasalamat ng National Training Directors na sina Guro Mark Vincent Doblada at Guro Georgia Zaragoza sa Jendo dahil nakatulong rin ito di lang sa training kundi sa pag-aaral at paghubog sa kanila bilang atleta.

“Nagstart ako ng 3 years old ng mag-Jendo since 2002. Graduate na rin ako ng college at pinupush namin ay ang grassroots program at maiwasan sa anumang vices na maaring ma-adapt sa community.”, sinabi ni Doblada.

“Sa training po namin, di lang puro physical, dapat rin mag-focus ang mga bata sa emosyonal at mental kung paano sila huhubugin. Si Grandmaster na nag-train sa amin, guinide niya kami kung ano ang pwede natin makuha na career na tatahakin at ilalapit namin din sa mga eskwelahan ang Jendo through scholarship.”, wika ni Zaragosa.

Isasagawa naman sa Nobyembre sa San Mateo, Rizal ang susunod na local competition ng JPA. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …