Thursday , June 4 2026

Political will nananaig sa balasahan sa Customs

 

STRONG political will o pagpapamalas ng tatag ng loob ba ang kasalukuyang umiiral sa Bureau of Customs pagkatapos ng napakahabang panahon na pinakialaman ng mga makapangyarihang politiko ang balasahan sa ahensya?

Marahil kung hindi pinagsasabon ni PNoy ang mga pinuno nito sa kanyang SONA (State of the Nation Address) noong July 22, baka nakatengga pa rin ang nakaambang balasahan. Tanging mga small fry lang ang napapasama sa mga balasahan.

Namayani rin sa maraming panahon ang smuggling na nagbabawa sa revenue ng ahensiya na umaabot sa P200 bilyon bawat taon. Iyong  kinasasangkutan ni Janet Napoles ang ilang mga senador at kongresman P10 bilyon lang daw. Pero mas malaki pa rito kaya lang napagtatakpan pa rin sa kongreso.

Isipin na lang na halos P200 bilyon kada taon ang nawawala sa buwis na dapat sana ay maipaayos ng mga kalsada, maipatayo ng eskwelahan, mga clinic etc., na napupunta lang sa mga bulsa ng mga hunghang na politiko, mga corrupt na taga-Bureau at lalo sa lahat, ang mga bigtime smuggler. Ang masakit lang ni isa yatang big fish na smuggler hindi maipakulong.

Pagkatapos ng panahon ni PNoy noong July 22 sa kanyang SONA hindi nagtagal at pumutok ang pork barrel scandal sa kongreso na isinasasangkot ang ilang mga senador. Ito sa tingin namin ang isang pangyayari na ikinatakot ng mga politiko na pakialaman ang balasahan.

Dahil sa pagkawala ng balakid, magaan na isinagawa ni Finance Secretary Cesar Purisima at Commissioner Ruffy Biazon ang reform program tulad ng pagpapaalis sa mga opisyales na stumbling block dahil nga sa kanilang mga padrinong politiko.

Unang tinanggal ang mga deputy commissioner, isinunod ang malalakas na mga collector ng ilang puerto sa pamamagitan sa pagtatapon sa kanila sa DoF, sa isang bagong likhang opisina na halos wala silang ginagawa sa buong maghapon.  Isinunod ang mga director at ilang mga division chief na may hawak na maseselang na opisina. Pagkatapos nito, inilagay pansamantala ang mga project manager ng DoF na nag-training sa kanilang haharaping trabaho bilang, halimbawa mga port collector. Napalitan na rin ang mga deputy commissioner at isusu-nod dito ay ang mga director, division chief. Hindi pa marahil tapos ang boksing. Marahil may kasunod pa.

Since nanahirapan nang lubos ang pamunuan ng Bureau na sibakin ang mga may padrinong politiko ng bureau officials, dito ipinasok ni Purisima na marahil kasama rin ang ko-misyoner ng Kustoms ang kanilang political will. Hindi na kailangan pang ipaalam sa mga senador or kongresman ang pag-aalis.

Sa tingin namin, ang pagsabog ng pork barrel scandal ang the best thing that has happened in the Customs. Ngayon, walang politiko o nakikialam. Smooth ang reshuffle. Kaya lang dumaraing ang mga tinamaan, demoralisado sila.

Sa totoo lang, nagagalak nang labis-labis ang mga importer at broker dahil nabawasan ng malaking porsyento ang kanilang problema sa regular na lagay. Isipin na lang 27 ‘e so-called “task forces” ang sumasahod kada lingo sa mga biktimang broker/importer. Puwersahan silang maghatag.

Arnold Atadero

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …