Thursday , June 4 2026
All-Women Sports Awards Filipinas, Athletes of the Year sa 2025

All-Women Sports Awards Filipinas, Athletes of the Year sa 2025

DUMALO ang mga bigating personalidad sa isports sa ginanap na 3rd PSC All-Women Sports Awards sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong Biyernes sa Pasay City.

Kabilang sa dumalo sina Senate President Tito Sotto bilang pangunahing tagapagsalita, kasama sina Sen. Bong Go, Chairman ng Senate Committee on Youth and Sports, Philippine Paralympic Committee president Mike Barredo, POC president Abraham Tolentino, PSC commissioner Walter Torres at PSC chairman Patrick Gregorio.

Pinangunahan ng Philippine Sports Commission (PSC) katuwang ang Philippine Commission on Women ang pagbibigay-parangal sa 83 natatanging Filipina athletes na patuloy na nagbibigay karangalan sa bansa.

Tinanghal na Athletes of the Year 2025 ang Philippine women’s football team o mas kilala bilang Filipinas. Samantala, nasungkit ni para-swimmer Angel Mae Otom ang Para Athlete of the Year, habang kinilala si Brenda Ramos Zinampan sa Masters category. Noong mga nakaraang taon, pinarangalan sina tennis star Alex Eala (2024) at Olympic boxing medalist Nesthy Petecio (2025).

Layunin ng event na itampok ang husay at tagumpay ng mga Filipina sa sports at magsilbing inspirasyon sa kababaihan.

Ayon kay PSC Commissioner Olivia “Bong” Coo, nararapat lamang na bigyang-pansin ang mga babaeng atleta, kabilang ang para-athletes at mga coach.

Samantala, ginawaran naman si First Lady Liza Araneta-Marcos ng titulong “Ina ng Atletang Pinoy.” (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …