Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Suntay Anne Curtis

Bong Suntay kinondena ng AKTOR sa pambabastos kay Anne Curtis 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

KINONDENA at hindi pimalampas ng League of Filipino Actors (AKTOR) ang pambabastos ni Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay sa aktres na si Anne Curtis.

Isang statement ang inilabas ng AKTOR na pinamumunuan nina Dingdong Dantes at Iza Calzado, na kinakastigo si Suntay sa ginawang pagyurak sa dignidad ng mga kababaihan.

Narito ang official statement ng AKTOR na matatagpuan sa kanilang  Facebook page.  

“Invoking a woman in a derogatory and sexualized manner in a formal public proceeding is deeply inappropriate and unacceptable. 

“Regardless of intent, there is no justification for language that objectifies or degrades women — especially from those entrusted with public office.

“As the country observes National Women’s Month, this incident highlights the continuing need for gender sensitivity, respect, and accountability in our public spaces.

“AKTOR stands firmly against misogyny in all forms and will always defend the dignity and respect of our members.” 

Sa kabilang banda, ipinagtanggol din ni Jodi Sta. Maria si Anne na idinaan niya sa  kanyang X account.

Aniya, “The analogy wasn’t malicious said the person who made the remark. But the impact was clear… it made people, most especially women feel disgusted and disrespected. 

“If that kind of analogy was used to make a point it clearly reveals the mindset of the person who said it. That’s not something we should normalize.”

Maging ang news anchor na si Karen Davila ay hindi rin nakapagpigil na maglabas ng saloobin.

Anito kay Suntay, “Gusto ko lang sabihin po na ang Marso po ay Women’s Month. Pero ‘yong nangyari po, ‘yong sinabi ng isang representante, si congressman Suntay. 

“Marami na ang hindi conscious at aware sa misogynistic comments sa mga kababaihan. Yung nakakainsulto sa babae, walang respeto.

“Dapat huwag na nating tanggapin ‘yong minsang biro-biro lang. Ang tagal na natin tinanggap ‘yon, mali po ‘yon. ‘Yong kulturang ganoon, hindi okay ‘yon.”  

Nagsimula ang galit ng netizens kay Suntay nang gamitin nitong halimbawa si Anne sa hearing ng Kongreso para sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay sa pagdinig ng House Committee on Justice, na sinabi ng kongresista na, “Minsan nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, at na-imagine ko na lang kung ano ang puwedeng mangyari. Pero siyempre hanggang imagination lang ’yon.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …