RATED R
ni Rommel Gonzales
MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend ng aktres na si Mavy Legaspi.
Pinabulaanan ni Ashley ang tsikang nakikialam si Carmina sa relasyon ng mga anak nito.
“I think that’s fake news!
“Sobrang bait ni Tita Carmina. Actually even before pa naging kami ni Mavy, naka-build na rin kami ng relationship ni Tita Carmina sa set ng ‘Widows Web’ [GMA series noong 2022].
“Lock-in taping kasi ‘yun. So, parang two months kami nagkasama sa Tagaytay.
“Mag-ate kami roon sa role namin sa ‘Widow’s Web,’ ate ko siya.
“So talagang ‘yung relationship namin, we also have to work it out kasi lagi kaming magka-eksena.
“And of course, siyempre pag lock-in taping, iyon ‘yung lagi mong nakakasama during pandemic noong time na ‘yun.
“So lagi akong nakiki-microwave kay Tita Carmina noong time na ‘yun.
“And of course, noong naging kami ni Mavy, nagyayaya siya, sila na mag-dinner lalo na ‘pag birthday ni Tito Zoren [Legaspi], birthday ng kambal, recently.
“Tapos pag-birthday ni Tita Carmina, I was there when she turned 50.
“And ‘yun, there are moments nagyayaya silang mag-dinner sa house and they always welcome me.
“Actually, since matagal na rin kami ni Mavy, mas naging deeper na rin ‘yung relationship ko with his family, especially si Cassy.”
Twin sister ni Mavy si Cassy Legaspi.
“Grabe ‘yung na-built namin na closeness, especially last year’s holidays noong Christmas and New Year.
“Halos kami ‘yung laging magkakasama kasi hindi naman kami nag-out of the country.
“We all celebrated here in the Philippines. So, kami ‘yung lagi magkakasama.”
Samantala, napapanood ngayon si Ashley sa Apoy Sa Dugo sa GMA Afternoon Prime.
Bida rito sina Ashley, Derrick Monasterio, at Elle Villanueva.
Nasa cast din sina Pinky Amador, Thea Tolentino, Ricardo Cepeda, Cai Cortez, Toniyuh, at Larkin Castor.
“I’m playing the role of Angel Sanggalang.
“Magkapatid kami rito ni Elle Villanueva, which is si Vanessa.
“So si Angel, sobrang intense po siya magmahal sa kapatid niya because, mag-isa lang kasi siya, eh, nawala na ‘yung parents niya.
“So when she found out na mayroon pala siyang kapatid, doon niya na-realize na puwede pa pala siya magkaroon ng pamilya.
“And then noong na-realize niya na ‘yung kapatid niya, na-meet niya, minahal niya nang sobra until nalaman niya na may betrayal na nangyari.
“So, roon maglalaro basically ‘yung character ni Angel. Her emotions are really extreme.
“So, ‘pag mahal siya, mahal niya ang isang tao, grabe siyang magmahal. Pero ‘pag nagalit siya sa isang tao, grabe rin ‘yung galit na inilalabas niya.”
Ang serye ay idinidirehe ni Ralfh Manuel Malabunga.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com