Thursday , June 4 2026
Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong pagnakawan ng mahahalagang gamit at pera kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat mula kay Police Lt. Colonel Sean Logronio, hepe ng Pandi Municipal Police Station, ang niloobang eskuwelahan ay ang Matias B. Salvador Elementary School na matatagpuan sa Brgy. Siling Bata, Pandi.

Batay sa ulat, isang tawag sa cellphone ang natanggap ng Pandi MPS mula sa isang concerned citizen, na ang nasabing paaralan ay biniktima ng mga kawatan dakong alas-2:34 ng madaling araw.

Nang matanggap ang ulat, agad na humingi ng tulong ang mga patroller ng sector 2 at mabilis na rumesponde sa nasabing lugar ng insidente.

Pagdating sa lugar ay isinagawa ang ocular investigation at nakitang nasira ang pinto ng grills ng principal office gamit ang bolt cutter kung saan dumaan ang mga kawatan.

Dito napag-alaman na tinangay ng mga suspekl ang 1 Laptop na nagkakahalaga ng Php 40,000.0p pesos na inisyu ng DepED; telebisyon na flat screen 42 pulgada na nagkakahalaga ng Php 10,000.00 pesos; perang Php 2,000.00 na cash; at iba’t ibang grocery na nagkakahalaga ng Php 2,000.00.

Hindi rin pinatawad ng mga ito ang kantina ng eskuwelahan at nilimas ang pera na halagang Php 200.000; at tatlong sako ng bigas na may kabuuang halaga na Php 4,200.00 at tumakas sa hindi malamang direksyon na tangay ang kabuuang halaga na Php 58,000.00.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga operatiba ng Pandi MPS sa pakikipagtulungan ng Punong-guro na si Ma. Lucia Gallardo y Salazar,para sa posibleng pagkakakilanlan at paghuli sa mga suspek na sa pag-backtrack ng CCTV footges ng eskuwelahan ay nakunan na nakasuot ng face mask, sombrero, cap, hoodie jacket, at halos pare-pareho ang taas mula 5’3″ hanggang 5’8″. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …