Thursday , June 4 2026
Arrest Posas Handcuff

Sa San Rafael, Bulacan
Top 4 provincial level most wanted rapist timbog

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking may kasong panggagahasa sa bisa ng warrant of arrest sa Brgy. Maasim, bayan ng San Rafael, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng hapon, 2 Marso.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Protom Guevarra Acop, acting chief of police ng San Rafael MPS, kinilala ang suspek na si alyas Ompong, 23 anyos, nakatala bilang Top 4 Most wanted Person sa provincial level, at residente ng Brgy. Sta. Lucia, San Miguel, Bulacan.

Inaresto ang suspek alinsunod sa Alias ​​Warrant of Arrest para sa kasong Rape sa ilalim ng Article 266, Paragraph 1 ng Revised Penal Code, na may kaugnayan sa Criminal Case No. 3563-M-2025 na inilabas ni Presiding Judge Theresa Genevieve N. Co, ng Malolos City RTC Branch 17, na may petsang 3 Pebrero, 2026, na walang inirekomendang piyansa.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng San Rafael MPS bilang lead unit, katuwang ang PIT Bulacan West RIU 3 na nagbigay ng intel support, na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto ng akusado.

Ipinaalam sa naarestong akusado ang kaniyang mga karapatang konstitusyonal at kasalukuyang nasa kustodiya ng San Rafael MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago ito i-turnover sa hukuman na naglabas ng nasabing warrant of arrest. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …