Thursday , June 4 2026
CBCP

Sermon ng CBCP:
POLITIKO MAG-AYUNO, UMIWAS SA ‘PANGUNGURAKOT’

HINIKAYAT ng isang opisyal ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga politiko na mag-ayuno at mangilin sa ‘pangungurakot’ sa pagsisimula ng kuwaresma ngayong araw, 18 Pebrero — Miyerkoles ng Abo.

Inihayag ni CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs executive secretary Fr. Jerome Secillano sa isang panayam kasunod ng pormal na pagsisimula ng panahon ng kuwaresma.

“If you are a politician, you may want to fast from stealing, from acts of corruption,” ayon kay Secillano.

Kasabay nito, iginiit ni Secillano na ang pag-aayuno at pangingilin ay dapat na sinserong isagawa at hindi pakitang-tao lamang ngayong panahon ng kuwaresma.

Aniya, “It should not be for the sake of doing it or just for the show. It should have an internal effect such as conversion.”

Nanawagan din ang pari na bukod sa pag-aayuno at pangingilin, dapat din magkawanggawa.

Aniya, ang mga naturang praktis ay dapat na isagawa sa lahat ng pagkakataon at hindi lamang sa panahon ng kuwaresma.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …