Sunday , February 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Brian Poe Llamanzares

Poe kinuwestiyon ₱1.8-B bawas sa pondo ng NIA sa Pangasinan
Mas malakas na suporta sa mga magsasaka iginiit

QUEZON CITY — Sa pinakahuling pagdinig ng Northern Luzon Growth Quadrangle Special Committee sa House of Representatives, kinuwestiyon ni Brian Poe ang malaking kabawasan sa badyet ng National Irrigation Authority (NIA) partikular ang epekto nito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ibinunyag sa pagdinig na bumaba nang halos ₱6.12 bilyon ang kabuuang badyet ng NIA ngayong taon. Sa naturang halaga, ₱1.8 bilyon ang nabawas mula sa alokasyon para sa Pangasinan.

Ayon kay Poe, hindi makatarungan ang naturang kabawasan lalo na’t ang Pangasinan ay isa sa pangunahing tagapagluwas ng bigas sa bansa.

“Hindi makatarungan na bawasan ang pondo ng irigasyon sa isang lalawigang kabilang sa nangunguna sa produksiyon ng palay. Anim na porsiyento ng pambansang produksiyon ng palay ay mula sa Pangasinan na tinatayang 1.2 milyong metriko tonelada at ika-tatlo tayo sa pinakamalalaking prodyuser sa bansa,” ani Poe.

Dagdag niya, umaabot sa 200 porsiyento ang rice sufficiency level ng lalawigan. “Ibig sabihin, hindi lang natin napapakain ang ating sarili. Nakatutulong pa tayo sa mahigit tatlong milyong Filipino sa labas ng ating probinsiya.”

Sa kabila ng mahalagang papel ng Pangasinan sa seguridad sa pagkain ng bansa, lumalabas na 46,000 ektarya lamang sa kabuuang 236,000 ektaryang lupang agrikultural ng lalawigan ang kasalukuyang may irigasyon. Tinatayang 120,000 hanggang 140,000 ektarya rito ang nakalaan sa palay.

Batay sa mga bilang na ito, nasa 19.5 porsiyento lamang ng kabuuang lupain ng Pangasinan ang may sapat na irigasyon. Ayon kay Poe, kahit ang mga lugar na may irigasyon ay nahaharap pa rin sa seryosong problema.

“Marami sa ating mga pasilidad ay luma na, barado ang mga daluyan ng tubig, at hindi regular ang pagpapakawala ng tubig. Kung hindi maayos ang sistema, bababa ang ani at kita ng ating mga magsasaka,” paliwanag niya.

Iniulat din ng mga magsasaka sa San Carlos na ang mga napunong kanal, tumatandang estruktura, at hindi pantay na water releases ay direktang nagpapababa sa cropping intensity at kita ng kanilang mga sakahan.

Bilang tugon, hiniling ng FPJ Panday Bayanihan sa NIA na magsumite ng isang detalyado at province specific rehabilitation plan para sa Pangasinan na maglalaman ng malinaw na timetable, target na lugar, at pondong ilalaan para sa pagsasaayos at pagpapalawak ng mga irigasyon.

Samantala, nagsumite rin ng mga kahilingan para sa irigasyon ang mga magsasaka mula sa Calasiao, Mapandan, at San Carlos. Marami sa kanila ang nakapagtatanim lamang nang isang beses sa isang taon o kaya ay umaasa sa diesel pumping para makapagpatubig, dagdag gastos na lalong nagpapabigat sa kanilang produksiyon.

Binigyang diin ni Poe na ang pamumuhunan sa irigasyon ay pamumuhunan sa seguridad sa pagkain at kabuhayan ng mga magsasaka.

“Kung seryoso tayo sa food security, hindi dapat binabawasan ang pondo para sa irigasyon sa mga lalawigang nagbibigay buhay sa ating suplay ng bigas. Ang Pangasinan ay handang magprodyus. Ang kailangan namin ay sapat at maayos na suporta mula sa pamahalaan,” pagtatapos ni Poe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

15 taon nagtago
Most wanted ng CALABARZON tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person sa Regional Level sa ikinasang manhunt …

FreaK Accident LRT

23-anyos graduating student patay sa ‘freak accident’ 

ni ALMAR DANGUILAN SA BIYERNES pa ang a-trese, pero kahapon, Miyerkoles 11 Pebrero, isang matatawag …

P47-M illegal yosi 2 abandoned van

Sa patuloy na follow-up ops
P47-M ilegal at puslit na yosi nasamsam sa 2 abandanong van

NASABAT ng mga awtoridad ang dalawang van na naglalaman ng mga ilegal at puslit na …

Car pasalo Scam

Sangkot sa ‘pasalo scam’ pick-up truck nabawi sa NE

NABAWI ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang 2018 Nissan Navara pick-up na …

Onion Sibuyas Shabu Baril Gun

Prente lang pala  
Ahente kuno ng sibuyas timbog sa boga’t droga

NASAKOTE ang isang lalaki sa isinagawang search warrant operation ng mga awtoridad na nakompiskahan ng …