Thursday , June 4 2026

Mon, Ynez nagkaiyakan; Ai Ai ayaw muna mainlab

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NASA restaurant business ang dating That’s Entertainment actress na si Ana Abiera.

Binuksan niya ang Delmo’s in the heart of Greenhills. Ito na rin ang naging watering hole nila ng kanyang friends. Mula sa pychic na si Jovi Vargas hanggang sa mga gaya rin niyang celebrities like Gretchen Barrerro, Ynez Veneracion, Kim Rodriiguez, Chichirita at mga kapwa niya That’s artists.

Kaya rito rin isinilang ang kanyang MiVida Productions na nagbalak na nga na gumawa ng pelikula. Lahat ng nabanggit ay kasama pwera si La Greta.

Sina Empoy Marquez at Ai Ai delas Alas ang mga bida. Si Rechie del Carmen ang direktora. At ang sumulat ay si Gina Marissa Tagasa.

May dating agad. Batang Paco. Comedy ito.

Pero sa ginanap na presscon nila kasama si Mon Confiado at ang batang si Cassy Lavarias, bumaha ng luha sa kanya-kanya nilang kwento.

Naiyak ang bawat isa. 

Lalo na sa kwento ng estranged partners na sina Mon at Ynez. Dahil kahit hiwalay na sila sa mahabang panahon, tuloy pa rin ang pagki-care sa isat isa. Lalo na sa pakikitungo ni Mon sa mga anak ni Ynez. Lalo na sa panganay nitong si Kayla.

Marami nga ang nagsabi na baka naman sila talaga ang meant for each other sa dulo.

Dahil sa salita nga ni Mon, hanggang kamatayan na ang magiging pagki-care niya sa mag-iina.

At ngayon nagliwaliw na sila sa HK. Si bagets lang dapat ang iti-treat ni Mon dahil birthday nito. Pero dahil minor kakailanganin pa rin ang parent’s consent. Kaya might as well isinama na ng aktor ang nanay.

Kaya naiyak sa mga kwento si Ai Ai. Na may sarili ring kwento. Na hindi naman daw naghahanap  ng lovelife ngayon.

Si Chichirita naman naiyak din sa mga kwento. Pero mas naiyak siya dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng MiVida. Na makasama pa ang idol na si AiAi.

Kaiba rin ang lovelife. At ang mga nakilala online na banyaga eh, pawang nasa piitan. At ang kaso? Murder!

Ang bangis ‘di ba?

Pero sa February 18, eto ang kakaibang treat nila sa Araw ng mga Puso sa mga sinehan. 

Ang life and times ni Paco. Ng Batang Paco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …