I-FLEX
ni Jun Nardo
HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin.
Ang last tweet ni Angel eh ang nararamdaman niya para sa stepson na si Joaquin Arce sa Pinoy Big Brother Collab 2.0.
Nerbiyos na nerbiyos daw si Angel last Saturday dahil nominated si Joaquin sa Kapamilya stars for eviction. Nakahinga siya nang maluwag nang ligtas si Joaquin.
Ang evicted sa Bahay ni Kuya ay ang Kapuso artist na si Sofia Pablo habang si Eliza Borromeo ang sibak mula sa Kapamilya stars na nominated.
Malakas talaga ang partnership nina Heath Hornales at Caprice Cayetano, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com