RATED R
ni Rommel Gonzales
HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang netizen na nagkomento sa post niya sa X (dating Twitter) account ukol sa trailer ng bago niyang pelikula.
Sa trailer kasi ay halos English ang dayalog nina Anne at leading man niyang si Jericho Rosales, at isang netizen ang nag-iwan ng comment ng, “kakairita, english english ang mga dialogue…”
Nag-react si Anne sa netizen at prangka niyang sinagot ng … “Di wag kang manood!”
Nilinaw ito ni Anne na una muna ay idinaan sa biro.
“Oo medyo Taglish siya dito, medyo English-English kaya kung ayaw niyo e di huwag kayong manood!”
Matapos ito ay nilinaw ng aktres ang tungkol sa naging sagot niya sa netizen.
“Alam niyo honestly that wasn’t meant to blow how it did.
“Parang kunwari si Vice, kunwari si Vice ‘yung kausap ko at sinabi niya, ‘Ano ba ‘yang movie niyo puro English!’
“Ganoon ko rin naman siya sasagutin, ‘Huwag kang manood!’
“Ganoon lang ‘yun, it wasn’t meant to be like a pataray.
“Parang ganoon lang, ‘Eh ‘di huwag kang manood!’
“Ganoon lang ‘yun.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com