Thursday , June 4 2026
Heart Ryan Zeke Polina Hell University

Kilig sa gitna ng karahasan: Heart Ryan at Zeke Polina ibinabandera bagong loveteam ng Viva

ni Allan Sancon

OPISYAL nang inilunsad ng Viva ang bagong inaabangang serye, Hell University, na nagsisilbing launching project ng bagong loveteam na Heart Ryan at Zeke Polina. Mula sa hit Wattpad novel na isinulat ni KnightInBlack na umabot sa 182 million reads, ang madilim at marahas na kuwento ay mapapanood na sa Viva One simula Pebrero 6.

Ginagampanan ni Heart si Zein, ang matapang na lider ng magkakaibigan, habang si Zeke naman ang Supremo o Ace Craige, ang malamig at nakatatakot na student council president. 

“Bagong level ito ng challenge para sa akin,” ani Heart. 

Dagdag naman ni Zeke, “Iba ang chemistry, mas intense, mas madilim—dito kami mas makikilala.”

Kasama rin sa cast sina Andre Yllana, Derick Ong, Jastine Lim, Gabbi Ejercito, at Jac Abellana. Tampok din ang pagbabalik-tambalan nina Aubrey Caraan at Lance Carr, kasama sina Keagan De Jesus at Jemima Rivera.

Sa direksiyon ni Bobby Bonifacio Jr., tiniyak na magiging faithful ngunit mas matindi ang serye kompara sa libro. 

“Pinili namin ang cast na kayang dalhin ang bigat ng istorya,” pahayag ng direktor. 

“Hindi lang ito tungkol sa karahasan—kwento ito ng survival at pagkakaibigan.”

Sa Hell University, libre ang lahat—maliban sa kaligtasan. Isang seryeng puno ng intriga, aksyon, at kilig, at ang unang hakbang ng Heart–Zeke loveteam na tiyak na aabangan ng fans.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …