Thursday , June 4 2026
Villa Kabila Cádiz Spain

Kongresista nabuking sa pag-aaring multi-milyong dolyar na bahay

NABUKING ng investigative report ng  Rappler si Leyte Representative at dating House Speaker Martin Romualdez sa isang multi-milyong dolyar na bahay sa Cádiz, Spain.

Ayon sa Rappler, ang nasabing ari-arian — kilala bilang Villa Kabila — ay isang 2,019-square-meter na bahay na may hindi bababa sa 16 kuwarto at malaking swimming pool. Ito’y nakatayo sa dalawang magkadugtong na lote na may kabuuang sukat na 3,976 square meters sa mayamang Sotogrande enclave.

Batay sa mga real estate listing mula 2021 hanggang 2023, ang presyo ng ari-arian ay nasa pagitan ng 6.5 milyon at 6.9 milyong euro, o $7.54 milyon hanggang $8 milyon (₱444.5 milyon hanggang ₱471.8 milyon), bago ito nabili ng Cecil Property PTE Ltd. noong 30 Enero 2024.

Ang Cecil Property PTE LTD ay nairehistro sa Singapore ilang araw lamang bago ang bilihan, o noong 10 Enero 2024.

Matapos ang malalimang imbestigasyon, natuklasan ng Rappler na may malapit na kaugnayan sa Cecil Property ang dalawang indibiduwal at isang kompanya. Ang kompanyang ito, ang BRAAVOS HOLDINGS OPC, ay isang one-person corporation sa Filipinas na pinamumunuan ni Jose Raulito E. Paras, senior partner sa law firm na Padernal & Paras, na dating kilala bilang APP Law.

May malalim na ugnayan ang nasabing law firm kay Romualdez, dahil nagsilbi si Paras bilang treasurer ng Media Serbisyo Production Corporation ni Romualdez at naging miyembro ng board ng Benguet Corporation, isang Romualdez-owned na mining company, hanggang 2023.

Ang senior partner na si Edgar Dennis Padernal naman ay nagsilbi sa mga board ng Romualdez-owned na Benguet Corporation at Bright Kindle Resources & Investment bago siya magbitiw noong 2020 at 2024, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, umalis si Jesse Hermogenes T. Andres sa firm noong 2022, bago ang transaksiyon sa ari-arian sa Spain, ngunit nanatili pa rin ang kanyang pangalan sa website ng firm hanggang ito ay mag-offline noong unang bahagi ng Enero 2026.

Ang anak ng dating Speaker na si Ferdinand Martin “Marty” Romualdez, Jr. ay nakilala bilang isang polo player na madalas lumahok sa mga torneo sa Sotogrande sa pamamagitan ng Calatagan Polo Club.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …