Thursday , June 4 2026
Cecilia Bravo John Fontanilla PMPC

Cecille Bravo Darling of the Press sa Star Awards

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI napigilang maluha sa labis-labis na kasiyahan ng VP Admin and Finance ng Intele Builders and Development Corporation na si Ms Maria Cecilia Bravo nang magwaging Darling of the Press sa katatapos na 41st PMPC Star Awards for Movies.

Ayon kay Tita Cecille, “Sa mga pinagpilian po, talagang alam ko po na hindi lang sa pagiging artista nila o saan man silang aspeto nsroroon, alam ko na wala akong kalaban-laban. Pero sabi nga po siguro kindness goes along way.

” And to get to know people, and to appreciate especially and of course respect, kasi napaka-importante na nirerespeto mo ‘yung tao. Kasi nararamdaman nila na nirerespeto mo sila, minamahal mo sila automatic, kaya ‘yun din siguro ang nakuha ko pabalik.”

Dagdag pa ng negosyante at Philanthropist, “Noong una hindi naman ako artista, hindi rin naman talaga ako nagpo-produce. Siguro nami-meet ko lang. Sabi ko nga sa inyo na kapag may mga pinupuntahan ako na awards night bilang businesswoman, philanthropist kaya naman po ako naroon.

“Pero nang makilala ko ang mga press napalapit sila sa puso ko. Thankful ako kasi napalapit din ako sa kanila, ito ngayon (ipinakita ‘yung trophy) ang bunga, ‘yung fruit of my labors, iba pala sila magbigay ng pagmamahal pabalik.

“Kanina umiiyak po ako talaga, thank you very much PMPC.”

Nang tanungin kung kanino iniaalay ang natanggap na pagkilala, “Sa asawa ko (Don Pete Bravo), pamilya ko, mga anak ko, mother ko, mga kaibigan ko, at iba pang sumusuporta sa akin at sa inyo siyempre mga press.

“Imagine naman ang dami-daming pipiliin, ako ang nakita n’yo. ‘Yung mabigyan n’yo nito, napakahalaga nito. This is not just something na basta-basta lang nakukuha ng mabilis.

“Ito ‘yung kailangan through the years ‘di ba? Na hindi lang na, ‘ah kailangan ngayong taon lang mabait ka, ikaw na.’ I’m so thankful,” wika pa ni Tita Cecille na nakalaban sa kategoryang ito sina Kim Chiu, Rez Cortez , Baby Go, Martin Nievera, Imelda Papin, Piolo Pascual, at Gladys Reyes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …