ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
NAKIKILA ng madla si John Calub bilang success coach, isang author, at naging in demand na motivational speaker.
Pero malaki ang naging pagbabago sa lifestyle ni John nang nagkaroon ng pandemic. Siya ay dumaan sa matinding pagsubok noong 2020 nang ma-diagnose na may matinding gut health issues at isang bihirang kondisyon na tinatawag na non-bacterial chronic pelvic pain syndrome (CPPS). Ayon sa mga doktor, ito ay isang incurable condition kaya araw-araw siyang nakararanas ng matinding pain.
Pagbabalik-tanaw ni John, “I have realized that it’s not just about wealth, but having good health is what truly matters. When I was diagnosed with CPPS, that was the turning point in my life.”
Ngunit bilang isang never-give-up success coach, nagsaliksik si John ng iba’t ibang solusyon at natuklasan niya ang larangan ng biohacking.
Kasama sa mga pinag-aralan niya ang breathwork, ayurvedic herbs, biotechnology, ice bathing, red light therapy, grounding o earthing, frequency healing, genetic testing, at detoxing. Sa loob lamang ng 30 araw na paggamit ng biohacking protocol na ito, naranasan niya ang ganap at mabilis na paggaling – nang hindi na kailangan ng mahal na operasyon, gamot, o matagal na pagkaka-ospital.
Mula rito, ipinanganak ang kanyang sariling sistema na tinawag niyang Miracles Protocol, isang kombinasyon ng agham at espirituwalidad para sa mabilis na paggaling.
Ngayon ay isang matagumpay na biohacker na si John, na marami ang natulungang mga maysakit na gumaling. Hindi lang ito mga simpleng karamdaman dahil bumuti ang kalagayan ng mga pasyenteng may cancer, diabetes, at iba pang sakit sa pamamagitan ng biohacking protocol na isinasagawa sa kanyang center. Itinatag ni John ang kanyang Biohacking Center sa Quezon City, na magtuturo sa mga Filipino, para personal na maranasan ang kapangyarihan ng Miracles Protocol.
Ipinakilala rin niya sa bansa ang paggamit ng Rife Frequency Generator, isang teknolohiya mula pa noong 1930s na dinisenyo ni Dr. Royal Rife. Ang makinang ito ay gumagamit ng partikular na electromagnetic frequencies na tumatarget sa mga mikrobyo, virus, bacteria, at maging cancer cells nang hindi sinasaktan ang malulusog na cells. Ngayon kilala na ito bilang Pulsed Electro Magnetic Frequecy (PEMF).
Marami na ang gumaling sa kanyang Biohacking Center. Tulad na lang ng isang breast cancer patient na lumiit ang bukol at tuluyang gumaling matapos ang ilang sessions sa Biohacking Center ni John. May isang matanda rin na nang dumating sa kanyang center ay ilang tao ang bumuhat dahil hindi na makalakad, pero matapos sumailalim sa biohacking machine ay umuwing nakakalakad at nakayang sumakay ng MRT.
Ang biohacking ang sining at agham ng pagbabagi ng kapaligiran sa loob at labas ng katawan upang magkaroon ng ganap na kontrol sa sariling biyolohiya. Ang biohacking ay gumagamit ng kombinasyon ng sinaunang karunungan at makabagong teknolohiya upang muling paganahin ang likas na kakayahan ng katawan na mabilis na mapagaling.
Upang mas lalong makatulong sa kalusugan ng mga Filipino, bumuo si John ng mga biohacking supplements. Ang pangunahing produkto ng kanyang kompanya ay ang Optimmune – isang advanced immune system support supplement na may kakayahang magbigay ng proteksiyon laban sa iba’t ibang sakit at mabilis na recovery. Ang Optimmune ay FDA-approved at ginagawa sa isang Halal Certified at ISO Certified facility.
Inaanyayahan ni Mr. Calub ang lahat ng Pinoy na personal na maranasan ang Miracles Protocol sa pamamagitan ng libreng frequency healing session tuwing Lunes at Biyernes mula 10AM hanggang 5PM sa Success Mall office, Ground Floor, Broadway Centrum, Aurora Boulevard, Quezon City. Para magpareserba ng slot, maaaring tumawag sa 0287111259 o +639394226050, o mag-email sa sccustomerservice3333 @gmail.com. Para naman sa mga nais bumili ng Optimmune, ito ay mabibili sa www. successmall.shopping , TikTok Success Mall shop, at Lazada Success Mall shop.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com