Monday , March 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paslit bawal sa sementeryo

BINAWALAN ng Manila police ang mga magulang na dadalaw sa puntod ng mga yumao nilang mahal sa buhay na huwag nang bitbitin ang kanilang mga paslit na anak sa Undas.

Paalala ni Chief Inspector Claire Cudal, tagapagsalita ng Manila Police District (MPD), dahil na rin sa taunang problema sa pagkawala ng mga paslit na dala ng mga magulang sa Manila North at South Cemetery at La Loma Cemetery.

Pinayuhan din ni Major Cudal ang mga magulang na sakaling hindi maiwasan ang pagdadala ng mga bata,  ay  sabitan  ng ID na nagsasaad ng pangalan ng bata, tirahan at contact number ng magulantg o guardian.

Sa sandali ng pagkawala,  makipag-ugnayan agad sa command center ng Manila Social Welfare Department sa entrada ng  Manila North Cemetery sa bahagi ng Blumentritt St.

(leonard basilio)

PRESYO NG BULAKLAK SA DANGWA TUMAAS PA

Dumagsa ang mga namimili ng bulaklak sa Dangwa, Maynila dalawang araw bago ang Undas.

Madaling araw pa lamang, buhol-buhol na ang trapiko sa paligid ng Dimasalang, Laong-Laan at A.H. Lacson.

Pero halos lahat ng mga namimili, umaaray sa pagtaas ng presyo ng mga bulaklak.

Ang noo’y nabibili ng P250 kada dosenang rosas, pumalo  ngayon ng P350.

Ang mga dating nasa P350 ang presyo, ngayon nasa P500-P600 na ang kada-dosena.

Ang mga orchids at Malaysian mums na hindi nakaayos ay P150-P160 habang P400-P450 kapag naka-arrange na.

Ayon sa mga tindera tumaas ang presyo dahil tumaas na rin ang halaga ng kuha nila sa Laguna at Baguio.

PNP ALERTADO SA UNDAS

SIMULA kahapon, nasa full alert status na ang buong pwersa ng Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang seguridad ng mga taong tutungo sa mga sementeryo para bisitahin ang kanilang namayapang mga mahal sa buhay.

Ayon kay PNP Police Deputy Director General for Operations Felipe Rojas, nakalatag na ang inihandang seguridad ng pulisya para sa Araw ng mga Patay sa Nobyembre 1 na matagal na nilang inayos bago pa man ang barangay elections.

Habang ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ay magpapakalat din ng mahigit 1,000 pulis sa mga sementeryo.

Sa kabilang dako, inilunsad ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang “Oplan Ligtas Biyahe” upang masiguro na ligtas ang mga pasahero na magsisiuwian sa kani-kanilang probinsya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Archi Adamos Arron Villaflor Pater Noster

Pater Noster hitik sa aksiyon, pagiging ama tinalakay

HARD TALKni Pilar Mateo PALABAS na sa mga sinehan ang Pater Noster na nagkaroon ng premiere kamakailan. …

Engr Gaspar Escobar Jr ICSC Teddy Brul

Ipaglaban matatag at makabayang sistema ng enerhiya – ICSC

PANAYAM kay Engr. Gaspar Escobar, Jr., grid modernization advisor ng Institute for Climate and Sustainable …

We Stannin HARD Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We Stannin’ HARD: Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We are all about that stan life. A new album from a rising artist? Fanboy/fangirl …

QCPD Quezon City

Pagkonsumo ng koryente, nilimitahan ng QCPD

BILANG suporta sa deklarasyon ng State of National Energy Emergency, nilimitahan ng Quezon City Police …

Setting the scenes for Mindanaos main characters at SM Supermalls

 Setting the scenes for Mindanao’s main characters at SM Supermalls

Let’s be honest, Mindanao–we’ve never been background characters. There’s a certain confidence in the way …